^

PM Sports

Salt And Pepper humarurot sa Philracom 4yo stakes

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinubi ng kaba­yong Salt And Pepper ang P300,000 premyo matapos sikwatin ang korona sa 2019 Philracom “Four-Year-Old Above Local Stake race kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nagmasid lamang ang Salt And Pepper sa pa­ngatlong puwesto habang bumabandera ang matulin na Smokin Saturday, nasa pangalawang puwesto naman ang liyamadong Lakan.

Sa kalagitnaan ng karera ay unti-unting umusad ang segundo liyamadong Salt And Pepper at papasok ng huling kurba ay kasabay na nito sa unahan ang Smokin Saturday at Lakan.   

Nagtutuluy-tuloy ang remate ng winning horse sa home stretch at pag-slide sa balya ay apat na kabayo agad ang agwat sa nasegundong Lakan kaya  umalagwa pa ang lamang pagtawid sa meta.

“Masarap patakbuhin ni Salt And Pepper dito sa San Lazaro gamay niya ang pista,” saad ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patricio Ramos Dilema.

Pag-aari ni Hermie Esguerra, inirehistro ng Salt And Pepper ang impresibong 1:26 minuto sa 1,400 meter race.

Nakalawit ng Lakan ang second prize na P112,500 habang inuwi ng Smokin Saturday at Mandatum ang P62,500 at P25,000 para sa tersero at pang-apat na puwesto ayon sa pagkakasunod.

Naibulsa naman ng winning breeder na Salt And Pepper ang P15,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Samantala, nagwagi sa Philracom-RBHS race ang Mighty Pride na sinakyan ni class A jockey JD Juco.

Pinatakbo sa Race 1, nilista ng Mighty Pride ang tiyempong 1:29.6 minuto sa 1,400 meter race.

vuukle comment

SALT AND PEPPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with