^

PM Sports

Lady Spikers pinana ang semis ticket

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winalis ng three-peat champions De La Salle Lady Spikers ang  Ateneo Lady Eagles, 25-17, 25-13, 25-23, para masungkit ang ikalawang Final Four berth sa Season 81 UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Colise­um.

Pinaghandaan nang husto ng Lady Spi­kers ang ikalawang paghaharap nila ng Lady Eagles na kanila ring ginapi sa first round, 14-25, 17-25, 25-16, 22-25.

Humataw si CJ Saga ng 21 excellent digs at 14 excellent receptions para sa pang-siyam na panalo ng La Salle sa 12 na laro at pormal na pumasok sa semifinal round.

Sa kanila namang pag­katalo ay naputol ang 10-game winning streak ng Ateneo ngunit nanatiling buhay ang pag-asang makopo ang unang ‘twice-to-beat’ advantage.

Ang tanging dalawang kabiguan ng Ateneo ay mula sa mga kamay ng La Salle.

Susubukan muling angkinin ng Katipunan-based spikers ang semis bonus sa pagharap laban sa Adamson Lady Falcons sa Abril 24.

“We just played hard and kept our discipline. We played good today. Ang larong ito ay laba­nan ng pride kaya hindi talaga kami magpapatalo sa Ateneo,” sabi ni Saga sa kanilang panalo.

Matapos angkinin ang unang set, 25-23, ay nili­mitahan ng Lady Spikers ang Lady Eagles sa tatlong atake, habang huma­taw sila ng 11 bukod sa dalawang blocks at dalawang aces para kunin ang second set, 25-13.

Samantala, tinalo naman ng University of the East Lady Warriors ang Adamson Lady Falcons, 25-14, 25-19, 25-22, sa ikalawang pagkakataon pa­ra sumosyo sa pang-anim na puwesto kasama ang NU Lady Bulldogs.

Nagtala si Mean Men­drez ng 15 points ka­bilang ang 11 attacks, 3 aces at 1 block, habang si­na Roselle Baliton at Judith Abil ay nagdagdag ng 14 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod, para ta­pusin ang three-game losing skid ng Lady Warriors.

Sa men’s division, pi­nalakas naman ng Ateneo Blue Eagles ang asam na ‘twice-to-beat’ incentive ma­tapos patumbahin ang UE Red Warriors, 25-20, 25-12, 27-29, 25-15.

Nagtagumpay rin ang Adam­son Soaring Falcons laban sa La Salle Green Spi­­kers, 25-14, 23-25, 25-19, 25-19.

 

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with