^

PM Sports

Pasig, Bataan isasabak sa FIBA 3x3

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang koponan ang babandera sa Pili­pi­nas sa hangaring ma­kasilat ng bigating 3x3 ballclubs sa 2019 FIBA 3x3 World Tour Masters sa Abril 18-19 sa Doha, Qatar.

Ito ang pagbabalik ng bansa sa World Tour Masters simula nang ipa­dala sina pro players Karl Dehesa, Troy Rosario, Calvin Abueva at Vic Manuel ng Manila North team noong 2015 kung saan sila nagtapos sa ikaanim na puwesto mula sa 12 nasyon.

Ipapadala ng bansa sa torneo ang Pasig Grindhouse Kings, tata­wa­ging Pasig Chooks at ang Bataan Risers, da­dal­hin ang pa­ngalan ng Balanga Cho­oks.

Nakasikwat ng tiket ang Pasig sa World Tour Masters matapos mag­hari sa Chooks Pilipinas President’s Cup.

Ang Ba­taan ay naka­habol sa World Tour ma­­tapos kumuha ng sil­ver medal sa FIBA Chooks-to-Go Asia Super Quest.

Pangungunahan nina Taylor Statham, Joshua Munzon at ang imports na sina Nikola Pavlo­vic (Serbia) at Angelo Tsa­­garakis (France) ang Pasig sa Pool A, habang sina Alvin Pasaol, Leo­nard Santillan, Travis Franklin at Dehesa ang mamumuno para sa tro­pa ng Ba­taan.

 

vuukle comment

FIBA 3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with