PLDT swak sa semis
MANILA, Philippines — Malakas ang signal na inilatag ng PLDT Home Fibr sa huling bahagi ng laro para pigilan ang Generika-Ayala, 25-15, 25-20, 24-26, 25-27, 15-12, at masikwat ang huling silya sa semis ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sumandal ang Power Hitters kina American imports Kendra Dahlke at Grace Lazard na gumawa ng mga huling puntos upang dalhin ang kanilang tropa sa unang semifinals appearance.
Humataw si Dahlke ng 37 points mula sa 33 attacks at 4 blocks, habang solido ang inilaro ni Lazard na may all-around game na 15 attacks, 8 blocks at 2 aces.
“It was intense both teams are going head-to-head like it’s been the whole conference. That’s the third time I think that we go five sets with them. They are a great team, they give us the battle just like we wanted so going into the semis we will be battle-tested,” ani Dahlke.
Hindi maganda ang simula ng Power Hitters sa fifth set para mahulog sa 1-6 pagkakabaon.
Subalit tinapyas ito ng PLDT matapos maglatag 6-0 run mula sa solidong depensa sa net ni Lazard na sinabayan ng aces ni playmaker Jasmine Nabor para maagaw ang bentahe.
Makailang ulit nagtabla ang iskor kabilang ang 12-12 buhat sa off-the-block hit ni Generika-Ayala import Kanjana Kuthaisong.
Iyon na lamang ang nakayanan ng Lifesavers nang magtulong sina Lazard at Dahlke.
- Latest