^

PM Sports

Tapatang La Salle at Ateneo

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng Ateneo Lady Eagles ang pang-11th sunod na panalo habang asam ng three-peat champion De La Salle Lady Spikers na muling padapain ang karibal upang palakasin ang tsansa sa twice-to-beat bentahe sa kanilang paghaharap ngayon sa Season 81 UAAP Volleyball Tournament sa Araneta Coliseum.

Maghaharap ang arch-rival Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-4 ng hapon pagkatapos sa laro ng Adamson Lady Falcons (1-10) at UE Lady Warriors (2-9) sa alas-2 ng hapon.

Matapos mabigo sa unang laro sa mga kamay ng Lady Spikers, 14-25, 17-25, 25-16, 22-25 sa first round ng elimination noong Pebrero 17, rumatsada ang Lady Eagles ng sampung sunod na panalo upang maging unang koponan na pumasok sa Final Four sa 10-1 win-loss kartada.

Sa ngayon, naka-focus ang tropa ni coach Oliver Almadro sa pormal na pag-angkin sa unang twice-to-beat advantage kaya hindi sila puwedeng mag-relax hanggang hindi makamit ang misyon na tumuntong uli sa Finals.

Kung magtatagumpay ang Lady Eagles sa paghihiganti sa DLSU, opisyal nilang makukuha ang top seed at unang twice-to-beat bentahe.

Pero kung mabibigo, may tsansa pa sila sa semifinal bonus dahil ang susunod nilang makakalaban ay ang kulelat na Adamson sa Abril 24 at UE Lady Warriors sa Abril 28.

Sa panig naman ng tropa ni coach Ramil de Jesus, kailangan nilang manalo uli sa Ateneo para pormal na pumasok sa semis at umabante sa 9-3 slate dahil kung mabibigo sila ay babagsak na naman sila sa three-way tie sa ikala-wang puwesto kasama ang FEU Lady Tamaraws (8-4) at UST Tigresses (8-4) at magiging kumplikado ang twice-to-beat na hangarin.

Pagkatapos sa laro kontra sa Ateneo, susunod na makakaharap ng DLSU ang UE (Abril 24) at FEU (Abril 28) kaya dadaanan nila ang butas sa karayom para manatili sa second spot.

Sa men’s division, asam ng Adamson Soaring Falcons (8-4) ang pangsiyam na panalo sa pagtatagpo laban sa DLSU Green Spikers (4-7) sa alas-8 ng umaga at susundan agad sa laban ng Ateneo Blue Eagles (8-4) at UE Red Warriors (2-10) sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with