^

PM Sports

2-0 bentahe asam ng San Juan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matutunghayan ng buong bansa ang ikalawang paghaharap ng Davao Occidental Tigers at San Juan Knights sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Finals, sa pagpapalabas ng Game 2 ng Live sa numero unong channel sa bansa na ABS-CBN ngayong alas-3:30 ng hapon at may livestreaming pa sa iWant Sports.

 Una nang nakasungkit ng panalo ang Knights kamakalawa, matapos nilang pataubin ang Tigers 84-74 sa pangunguna nina John Wilson at Mac Cardona sa Game 1 ng kanilang best- of-five series na ginanap sa Davao City Recreation Center.

Malaking bagay para sa liga na pagmamay-ari ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao na umere sa ABS-CBN, ang numero unong channel sa bansa at sa iWant Sports. Napapanood lamang ang mga laro ng liga sa S+A at S+A HD sa gabi ng mga masugid na fans ng basketball.

 Pinaglalabanan ng dalawa ang pambansang kampeonato matapos maghari sa kani-kanyang dibisyon. Dinurog ng Tigers ang Batangas City Athletics sa iskor na 66-51 sa huling laro ng South Division finals at sinandalan naman ng San Juan ang kanilang depensa kontra sa  Manila Stars tungo sa kanilang  84-75 tagumpay  at paghahari ang North Division finals.

 Ito ang unang beses na maipapalabas ang laro sa MPBL na nasa ikala-wang taon na, sa ABS-CBN. Napapanood ang mga laban sa ligang itinatag ni Sen. Manny Pacquiao sa sports channel ng ABS-CBN na S+A sa free TV at S+A HD sa cable TV. Sa format nitong home and away, agad itong kinagiliwan ng mga basketball fan sa buong bansa lalo na at napapanood  sa “Liga ng Ba-yan” ang mga nagbabalik na basketball star mula sa professional at collegiate leagues at mga magagaling na manla-laro na hindi pa nadiskubre  na galing mismo sa kanilang lugar.

Para sa mga karagdagang istorya at balita sa “Liga ng Bayan” na MPBL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com.

vuukle comment

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with