^

PM Sports

Unforgettable win sa Miami

Pang-masa
Unforgettable win sa Miami

MIAMI -- Kumamada si Dwyane Wade ng 30 points sa puno ng tribute na final home game ng kanyang career para tulungan ang Heat sa 122-99 pagpapabagsak sa Philadelphia 76ers.

Nag-ambag si Bam Adebayo ng 19 points kasunod ang 16 at 15 markers nina Justise Winslow at Hassan Whiteside, ayon sa pagkakasunod  para sa sibak nang Miami.

Isasara ni Wade ang kanyang NBA career sa Brooklyn sa regular-season finale ng Heat laban sa Nets.

Sa Los Angles, nagsalpak si Maurice Harkless ng isang corner 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer at sinikwat ng Portland Trail Blazers ang home-court advantage sa first round ng playoffs sa 104-101 paglusot sa Lakers.

Tumapos si Harkless na may 26 points habang may 22 markers at 16 rebounds si Enes Kanter para sa Blazers na umarangkada sa fourth quarter para ilista ang kanilang ika-52 panalo sa season.

Bitbit ng Blazers ang home court advantage sa kanilang first-round series ng Utah Jazz.

Sa Cleveland, tumipa sina Kemba Walker at Jere-my Lamb ng tig-23 points para akayin ang Charlotte Hornets sa 124-97 panalo kontra sa Cavaliers.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Hornets, kumonekta ng season-high na 22 triples, para palakasin ang tsansa sa playoffs.

Kailangang talunin ng Charlotte ang Orlando Magic at ipagdasal na matalo ang Detroit Pistons laban sa New York Knicks para maagaw ang final playoff spot.

Sa New Orleans, nagposte si DeMarcus Cousins ng 21 points at 12 rebounds para pangunahan ang 112-103 panalo ng Golden State Warriors laban sa Pelicans.

Hindi natapos ni Warriors guard Stephen Curry ang laro dahil sa kanyang mild foot sprain.

Naglaro ang Golden State, nauna nang nakamit ang top playoff seed sa Western Conference, nang wala sina forward Kevin Durant at guard Klay Thompson.

vuukle comment

MIAMI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with