Pinakamalaking delegasyon sa SEAG
MANILA, Philippines — Kabuuang 1,895 athletes, coaches at officials ang miyembro ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
Ito ang inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas sa PSA Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.
Ito na ang pinakamalaking delegasyon ng bansa sa SEA Games sapul nang sumali noong 1977.
“Yes, these would be the biggest ever delegation that we have formed for the SEA Games in history. But this time kasi, we are the host kaya puwede iyan sa atin,” sabi ni Vargas.
Ayon pa kay Vargas, ibinalik ng POC ang obstacle sports bilang ika-57 sports discipline dahil umabot sa apat na bansa ang nagkumpirmang lalahok sa sports obstacle racing na gagawin sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.
“We have restored obstacle sports in our calendar because Laos has already confirmed to join the competition. So, there are now four participating nations in obstacle. They now meet the requirement,” dagdag ng POC chief.
Nauna nang tinanggal ang obstacles sports at women’s baseball sa kalendaryo ng SEA Games dahil tatlong bansa lamang ang nagpahayag na sasali kaya kulang sa kailangang apat na partisipante.
Ang women’s baseball ay tinanggal sa SEA Games bunga ng kakulangan ng lahok na isa sana sa inaasahang magbibigay ng gold medal sa Team Philippines.
- Latest