^

PM Sports

Hornets puwede pa sa playoffs; Jazz pinabagsak ang suns

Pang-masa
Hornets puwede pa sa playoffs; Jazz pinabagsak ang suns
Hindi napigilan ng depensa ng Pelicans si Kemba Walker ng Hornets.

NEW ORLEANS — Walang ibang aasahan ang Charlotte Hornets sa krusyal na bahagi ng fourth quarter kundi si star guard Kemba Walker.

Humugot si Walker ng 21 sa kanyang 32 points sa huling 10 minuto para tulungan ang Hornets sa 115-109 paggupo sa Pelicans.

Ang panalo ang nagpalakas sa tsansa ng Charlotte na makapasok sa playoffs.

“I think it just comes naturally; In those kinds of situations, I think my team is kind of looking for me to be more aggressive and make some plays,” wika ni Walker, tumipa ng 2-of-8 fieldgoal shooting mula sa first hanggang sa third pe­riod bago nag-init sa fi­nal canto.

Tinapos ng Hornets ang kanilang three-game losing skid.

Ang three-point shot ni Walker ang nagpasimula sa 14-6 ratsada ng Charlotte sa fourth quarter at hindi na nilingon ang New Orleans.

“That shot in particular, I had a little space and just rose up and took a shot,” ani Walker. “That was the shot that kind of got me going. I was struggling all night.”

Sa Phoenix, bumira si Donovan Mitchell ng 29 points para ihatid ang playoff-bound Utah Jazz sa 118-97 panalo laban sa Suns.

Hindi natapos ni Phoenix star guard Devin Booker ang laro nang magkaroon ng sprained ankle injury sa 4:28 minuto sa first quarter.

Iniskor ni Joe Ingles ang 15 sa kanyang 27 points sa second quarter, habang naglatag si Rudy Gobert ng 17 points, 13 rebounds at 5 blocked shots para sa Jazz na na­natili sa fifth place sa Wes­tern Conference.

Sa Miami, humataw si Gordon Hayward ng 25 points at nagdagdag si Kyrie Irving ng 23 mar­kers para sa 112-102 pananaig ng Boston Celtics kontra sa Heat.

Nag-ambag si Al Horford ng 21 at iniskor ni Jayson Tatum ang siyam sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa ikalawang panalo ng Boston sa Miami.

Nanatiling magkasosyo ang Celtics at Indiana Pacers para sa fourth-best record sa Eastern Conference, habang naapektuhan naman ang tsansa ng Heat sa tiket sa playoffs.

Naglista si Dion Waiters ng 21 points sa panig ng Miami, habang may 17 markers si Dwyane Wade at kumolekta si Hassan Whiteside ng 18 points at 15 rebounds.

Sa Los Angeles, nagtala si James Harden ng 31 points kasunod ang 29 markers si Chris Paul para pangunahan ang Houston Rockets sa 135-103 pagdurog sa Clippers sa kanilang potensyal na playoff preview.

Kumolekta si center Clint Capela ng 24 points at 15 rebounds para sa panalo ng Rockets.

vuukle comment

JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with