^

PM Sports

Nortport naghahabol

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay taglay pa rin ni NorthPort coach Pido Jarencio ang ‘never-say-die’ spirit ng Ginebra.

Ito ang muling gagamitin ni Jarencio sa pagsagupa ng Batang Pier sa Gin Kings sa krusyal na laro ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Magnolia Hotshots at NLEX Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo laban sa Ginebra ang opisyal nang magbibigay sa NorthPort ng No. 8 berth sa quarterfinal round, samantalang ang kabiguan ay nanga-ngahulugan ng pagdaan nila sa isang playoff match.

“Gustong umabot ng quarters. From there, bahala na. Kung twice-to-beat kalaban, kahit sino, puwede na,” sabi ng 54-an-yos na si Jarencio, naglaro para kay Sen. Robert Jaworski sa Ginebra noong 1992 hanggang 1998, sa kanyang Batang Pier.

Mula sa anim na sunod na kamalasan ay naipanalo ng NorthPort ang dalawang dikit nilang laro laban sa TNT Katropa, 109-83 at kontra sa Alaska, 94-84 para makasikwat ng playoff ticket sa No. 8 seat sa quarterfinals.

“Para sa kanila, they want to make a name for themselves. Do-or-die games, tapos nananalo. So this is all for the players. Sila iyan, deserving sila lahat,” dagdag ni Jarencio.

Dahil nasa kamay na nila ang No. 3 berth ay wala nang halaga para sa Ginebra ang laro.

“We certainly want to win because we want to keep our momentum,” wika ni two-time PBA Grand Slam champion mentor Tim Cone sa kanyang Gin Kings na nagmula sa 86-76 panalo laban sa sibak nang Meralco Bolts.

Kung matatalo ang NorthPort sa Ginebra ay lalabanan nila ang Alaska sa isang playoff para sa No. 8 spot na sasagupa sa No. 1 Phoenix, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Sa unang laro, kaila-ngan namang talunin ng Road Warriors ang Hotshots ng higit sa 10 points para maagaw ang No. 6 slot na maghuhulog sa huli sa No. 7.

Nanggaling ang NLEX sa 96-105 kabiguan sa Ginebra noong Marso 23, samantalang umiskor ang Magnolia ng 97-87 paggupo sa talsik nang Blackwater noong Marso 22.

Kung parehong mananaig ang Hotshots, uupo sa No. 6 habang ang Batang Pier ang malalagay sa No. 7, ay maitatakda ang playoff ng Road Warriors at Aces para sa No. 8 seat.

vuukle comment

NORTHPORT

PBA

PIDO JARENCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with