^

PM Sports

Jockey Serrano pinatawan ng suspensyon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatawan ng 18 racing days suspension si class  B rider Jericho Ser-rano ng Board of Stewards matapos ma-disqualify ang sinakyan nitong si Mika Mika Mika sa Condition Race na ginanap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite noong Huwebes ng gabi.

Reckless riding at hindi pagsunod sa “two-horse length rule” kaya nasuspindi si Serrano.

Nagkaroon ng aksi­dente sa biglang pa­g­ku-ha ng balya ni Serrano at nalaglag si apprentice rider MP Laloma na nirendahan si Awat Na Boy.

Kuwento ni Laloma na sinisigawan na niya si Serrano na magkaka­sagian sila kapag bu­mal­ya agad pero nag­tu­­loy pa rin ito kaya nag­­­karoon ng aksidente.

Nagpaliwanag naman si Serrano pero nagkasundo ang BoS na bigyan siya ng parusa.

“An inquiry for 1st place was called when JG Serrano (#7 Mika Mika Mika) made contact with MP Laloma (#4 Awat na Boy) in the 3/4 marker. JG Serrano explained that the mount of MP Laloma has still enough room despite his ride swerving in. MP Laloma stated that prior to the point of contact that he was already shouting JG Serrano to avoid collision.” Ayon sa ibinabang liham ng BoS.

Kaya naman nang ma­bago ang desisyon sa pagkapanalo ng Mika Mika Mika ay laglag ang balikat ng mga liyamadista.

Pera na naging bato pa, ayon sa mga ka­re­ris­­­tang nakataya sa Mika Mika Mika.

“Nakataya ako kay Mika Mika Mika, pero wala naman akong masabi sa naging desisyon ng Board of Stewards, tama sila kailangan bigyan ng leksyon si JG Serrano sa pagiging reckless nito sa pagdadala,” ani Jessie Aguila, mananaya.

Unang tumawid ng meta si Mika Mika Mika umoras ng 1:26.6 minuto sa 1,300 meter race su-balit nagkaroon ng insidente sa unang kurba sanhi ng kanyang pagka-disqualify.

Sa unang likuan ng karera, kinukuha ni Serrano ang unahan pero bumalya ito at na­pilitang pumigil si Laloma dahilan ng kanyang pagkakalaglag.

Lumanding sa pina-kahuli si Mika Mika Mika at ibinigay ang panalo sa nasegundong si Awesome na isang dehado, nakopo ng My Lady Conza ang second place at tersero si Double Rock.

 

vuukle comment

JOCKEY SERRANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with