^

PM Sports

Barayong wagi sa 3-Year-old group race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa  ang magkakamping Bara­yong at Iikot Lang upang sikwatin ang panalo sa Three-Year-Old Group race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic Cavite.

Magaan na nakuha ng Barayong ang panalo kaya nairehistro ang magandang tiyempo na 1;20. 4 sa 1,300 meter race na pinasibat sa pangatlong karera.

“Nakita ko ‘yung humahabol sa amin, eh kakampi kaya sabi ko pahinga ng konti para kung may rumemate ay may lakas pa ang Barayong,” kuwento ni class A jockey Kelvin Abobo.

Sa rekta ay apat na kabayo ang lamang ng Barayong sa humahabol na Iikot Lang at dahil magka-kuwadra at iisa ang kanilang numero ay hinirang na segundo ang Batang Heroes, habang tersero ang Dugong Bughaw. 

Walang kahirap-hirap naman na nirendahan ni star jockey Fernando M. Raquel Jr. ang Eugene Onegin matapos magtagumpay sa Condition Race Merged (9) sa race 1.

Ipinuwesto ni Raquel sa pang-lima ang liyamadong Eugene Onegin sa unang dalawang daang metro ng karera pero pagsungaw ng rektahan ay naagaw na nila ang bandera at tumuloy na sa meta.

“Pinanood ko lang ‘yung mga nasa unahan tapos nang makasilip ako ng tiyempo ay pinausad ko na ang Eugene Onegin,” pahayag ni Raquel Jr.

Dumating na segundo ang Shoo In, samantalang pumuwesto sa pangatlo ang Exhilarated.

Nagwagi naman sa Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) - RBHS race ang June Three na ginabayan ni class B rider EG Guerra.

Dumaan sa bandang  labas ang June Three upang agawin ang unahan sa Gunga Din papasok ng huling kurba.

“Walang sagabal sa remate namin kaya magaan na nakuha namin ang unahan,” masayang sabi ng hinete ng winning horse na si EG Guerra.

Dahil sa panalo ay nasilo ng may-ari ng ka­bayong June Three ang premyong P10,000 na inis­ponsoran ng PHILRA­COM sa event na may distansyang 1,300 meter race.

Pangalawang duma-ting ang Gunga Din, tersero ang Sense Of Humor, habang pang-apat ang Mabalor.

Hindi naman nagpadaig sa Race 4 ang Bull Star Rising na sinakyan ni apprentice rider JM Estorque matapos ma­na­lo sa PHILRACOM Charity race.

vuukle comment

3-YEAR-OLD GROUP RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with