^

PM Sports

Manuel hindi na naman makakalaro para sa Alaska

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naurong ulit ang pagbabalik sana ni Vic Ma­nuel para sa kampanya ng Alaska sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos mu­ling mapilayan ang kanyang dating back injury na siyang dahilan ng hindi ni­ya paglalaro sa torneo.

Nakatakda na sanang magbalik si Manuel sa hu­ling laro ng Aces kontra sa NorthPort Batang Pier ngayong hapon bago madale ng parehong injury sa kanyang pagbabalik sa ensayo noong nakaraang Biyernes.

“Negative ako kasi na­saktan ako last Friday,” sabi ng 6-foot-4 na si Manuel. “Natamaan ako eh. Medyo malakas iyong tama.”

Bunsod nito, kung sa­kaling makapasok ang Alaska sa quarterfinals kung mananalo sa NorthPort ay posibleng hindi pa rin makakasama ng tropa ni coach Alex Compton ang big man na si Manuel.

“Kahit iyong quarterfinals, mukhang negative na. Sayang. Okay na sana ako eh, natamaan pa.”

Kagagaling lang ni Ma­nuel sa pambihirang sea­son noong 2018 kung kailan naging top Best Player of the Confe­rence candidate pa siya sa Commissioner’s Cup.

Sa Governors’ Cup ay nagrehistro siya ng 16 points at 5 rebounds para sa Aces bago nadale ng naturang injury na ininda ng Alaska tungo sa 2-4 kabiguan sa PBA Finals series kontra sa nagkampeon na Magnolia.

Ayon kay Manuel, gi­gil na gigil na siyang makatulong ulit sa Aces pero dahil sa back injury ay mukhang sa next conference niya na magagawa iyon.

“Mukhang sa next con­ference na lang,” ani Ma­nuel. “Masakit eh. Gustung-gusto ko tala­gang maglaro, gigil na gigil na. Pero hanggang gi­gil na lang muna. Wala tayong magagawa.”

Hawak ang 4-6 ba­ra­ha, hangad ng mga ba­ta­an ni Compton ang mahalagang panalo upang ma­­katiyak ng upuan sa eight-team quarterfinals na magsisimula sa unang linggo ng Abril.

 

vuukle comment

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with