^

PM Sports

Petron ayaw madungisan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lalapit ang reigning champion Petron sa inaasam na sweep sa pagsagupa nito sa Generika-Ayala sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang paluan ng Blaze Spikers at Lifesavers sa alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng Cignal HD at PLDT Home Fibr sa alas-4:15 at ng Foton at United Volleyball Club sa alas-7 ng gabi.

Malinis ang rekord ng Petron na nakasakay sa 11-game winning streak.

Halos walang makitang pagkakamali ang Blaze Spikers sa mga laro nito ngunit ayaw ng tropa na maging kumpiyansa dahil papalapit na sa krusyal na estado ang liga. Kaya naman asahang todo hataw pa rin ang Petron sa pangunguna nina super imports Katherine Bell at Stephanie Niemer na nagpapasabog ng matatalim na atake sa bawat laro.

Hindi rin nahihirapan ng husto sina Bell at Niemer dahil malaki ang nakukuha nitong suporta sa mga local players-- una na si playmaker Rhea Dimaculangan at sina middle hitters Mika Reyes at Remy Palma.

Kailangan ng Lifesaver na ibuhos ang lahat ng lakas nito para pigilan ang matinding puwersang ilalatag ng Blaze Spikers.

May 4-7 marka ang Generika-Ayala para okupahan ang No. 6 spot.

Kung matatalo ito sa Petron, tuluyan nang lalabo ang pag-asa ng Lifesavers na makahirit ng twice-to-beat card sa quarterfinals.

Mamanduhan ni Thai import Kanjana Kuthaisong ang opensa ng Generika-Ayala katuwang sina Fiola Ceballos, Angeli Araneta at Mika Lopez.

Sesentro din ang atensiyon sa Cignal at PLDT na parehong naghahabol din sa twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

vuukle comment

PETRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with