^

PM Sports

Pacquiao-Mayweather 2 ang gusto ng mga fans

Chris Co - Pang-masa
Pacquiao-Mayweather 2 ang gusto ng mga fans

MANILA, Philippines — Walang iba kundi si undefeated Floyd Maywea­ther Jr. pa rin ang numero unong paborito ng mga fans na sunod na makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Base sa isinagawang survey ni Pacquiao sa kanyang Twitter account (@MannyPacquiao), lumabas na gusto ng mga fans na matuloy ang inaabangang Pacquiao-Mayweather rematch.

Umabot sa 80,448 ang bumoto at 73 porsiyento dito ang pumabor kay Mayweather.

Kasama rin sa mga pinagpilian sina World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Keith Thurman, World Boxing Council (WBC) welterweight champion Shawn Porter at Danny Garcia.

Pumangalawa lamang si Thurman na may 13 porsiyentong boto na nakuha habang ikatlo si Garcia na may siyam na porsiyento at huli si Porter na nakalikom lamang ng limang porsiyento.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na handa itong harapin si Mayweather anumang oras upang magka­alaman na sa kung sino ang tunay na nanalo sa ka­nilang unang pagtatagpo noong 2015.

Magugunitang nauwi sa unanimous decision win pabor sa Amerikano ang Pacquiao-Mayweather fight may apat na taon na ang nakalilipas.

“My thinking is to have a rematch and to make a clear decision on who will win the fight. In the last fight that we had, it wasn’t clear who won the fight because he didn’t throw a lot of punches and he won the fight,” ani Pacquiao sa kaniyang mga naunang panayam.

May iniindang shoulder injury si Pacquiao noon.

Ngunit nagbalik na ang bangis ni Pacquiao na tu­nay na nakita sa kanyang huling dalawang laban kontra kina Lucas Matthysse at Adrien Broner.

“I had a shoulder injury…but this time, if this re-match happens there are no excuses, no alibis,” aniya.

vuukle comment

PACQUIAO-MAYWEATHER 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with