^

PM Sports

Nabuhayan ang Alaska

Russell Cadayona - Pang-masa
Nabuhayan ang Alaska
Dinepensahan ni Kevin Racal ng Alaska si Nico Salva ng Meralco.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Sa pagbabalik sa aksyon nina injured JVee Casio at Kevin Racal ay nabuhay ang pag-asa ng Aces na makasama sa eight-team quarterfinal round.

Umiskor si Jeron Teng ng 16 points tampok ang perpektong 7-of-7 shooting sa free throws para tulungan ang Alaska na talunin ang Meralco, 92-77 at tapusin ang kanilang tatlong sunod na kamalasan sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaapat na panalo ng Aces sa siyam na asignatura para makasosyo ang NLEX Road Warriors sa ikaanim na posisyon.

“Felt we did a bunch of things better today. We were much better defensively,” sabi ni coach Alex Compton sa kanyang tropa.

Nag-ambag naman si Simon Enciso ng 14 points kasunod ang tig-13 at 12 markers nina Chris Banchero at Sonny Thoss at Casio, ayon sa pagkakasunod.

Maagang nagtayo ng 10-point lead, 13-3, sa opening period hanggang makalapit ang Bolts sa pagtatapos ng first half, 38-45.

Muli namang nag-init ang Alaska at nagposte ng 69-57 abante sa third quarter patungo sa paglilista ng 15-point lead, 87-72, sa huling 2:45 minuto ng fourth quarter galing sa dalawang free throws ni Thoss.

Hindi na ito napababa ng Meralco, nakahugot kay Nino Canaleta ng 18 markers kasunod ang 11 points ni Chris Newsome.

 

 

vuukle comment

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with