^

PM Sports

Kailangan ng milagro ng Gilas Pilipinas

Andrew Dimasalang - Philstar.com

MANILA, Philippines — Milagro ang kailangan ng Gilas Pilipinas para makaabante sa second round ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup na nakatakda sa Foshan, China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 ayon kay national team head coach Yeng Guiao.

Nahulog kasi sa Group D na maituturing ni Guiao na ‘near group of death’ kasama ang Serbia, Italy at Angola matapos ang ginanap na FIBA World Cup Draw sa Shenzhen Cultural Center sa Shenzhen, China kamakailang lang.

“I’m not going to say that this is the group of death but sabi ko nga we’re the overwhelming underdogs so maybe this is a group of near death,” ani Guiao. “Against Italy and Serbia, it will almost take a miracle to win those games.”

Sa katunayan, talagang mapapasabak ang Gilas na ika-31 sa buong mundo lalo na kontra sa Serbia na siyang world No.4 ngayon sa FIBA Rankings matapos ang silver medal finishes sa 2014 FIBA World Cup sa Spain at sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Dagdag pa dito ang inaasahang pagsama ng Serbian NBA players tulad nina Nikola Jokic ng Denver Nuggets, Boban Marjanovic ng Philadelpia 76ers, Milos Teodosic ng LA Clippers at Bogdan Bogdanovic ng Sacramento Kings.

Hindi rin basta-basta ang Italy-- dating two-time Olympic silver medalist at two-time Eurobasket champion--na siya namang ika-13 ngayon sa FIBA World Rankings at pangungunahan nina Danilo Gallinari ng Clippers at Marco Bellineli ng San Antonio Spurs.

Maging ang African bet na Angola ay malakas din, ayon kay Guiao, dahil 11-time Afrobasket champion ito.

Sa kabutihang palad, naniniwala si Guiao sa mga milagro na tiwala siyang papanig sa Gilas kung magkakaroon sila ng tsansang makapaghanda nang todo.

“The good thing about me is I believe in miracles eh. Kailangan ka rin maghanda para mangyari ‘yung milagro,” dagdag niya.

Unang makakaharap ng Gilas ang Serbia sa Agosto 31 at susunod ang Italy sa Setyembre 2 bago tapusin ang preliminary schedule sa Setyembre 4.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with