^

PM Sports

Guiao interesado kay Remy Martin

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Guiao interesado kay Remy Martin

MANILA, Philippines — Interesado si Yeng Guiao sa Filipino-American collegiate sensation na si Remy Martin bilang posibleng karagdagan sa koponang Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup.

Ito ay matapos ang impresibong taon ng 20-an-yos na si Martin para sa Arizona State Sun Devils sa idinaraos na US NCAA Tournament.

Aminado si Guiao na napapabilib siya ng natu-rang Arizona point guard dahilan upang ikunsidera niya ito sa pambansang koponan na sasabak sa 31 na pinakamagagaling na basketball countries sa quadrennial showpiece na nakatakda mula 31 ng Agosto hanggang 15 ng Setyembre sa China.

Bilang no.1 guard ng Sun Devils, nagrerehistro ngayon si Martin ng 13.5 puntos, 5.2 assists at 3.2 rebounds.

“We hope to invite him to the country so we can take a closer look,” ani Guiao lalo’t limang buwan pa naman bago ang World Cup at nasa offseason ang US NCAA sa kasagsagan ng naturang quadrennial basketball conclave.

Purong Pinay ang ina ni Martin na si Mary Ann Macaspac at ayon sa mga ulat ay nakakuha ng Philippine passport ang collegiate sensation bago mag-16-anyos na siyang pangunahing batayan ng FIBA upang makunsiderang local player ang isang manlalaro at hindi naturalized player.

Subalit kailangan pa aniyang siguraduhin ni Guiao at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang naturang ulat upang pormal na maimbitahan si Martin bilang posibleng dagdag na player sa bubuuing training pool ng Gilas Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni Guiao, coach din ng NLEX sa PBA, na baka isa o dalawang manlalaro lang ang idagdag niya sa kanyang orihinal na 14-man pool upang mapanatili ang chemistry na nabuo nila sa katatapos lamang na Asian Qualifiers.

Kung sakali, dadagdag si Martin sa original 14-man Gilas pool na binubuo nina naturalized player Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, JP Erram, Raymond Almazan, Troy Rosario, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Roger Pogoy, Scottie Thompson, Jayson Castro, Paul Lee, Mark Barroca at Thirdy Ravena.

 

vuukle comment

GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with