^

PM Sports

Inday Sara Duterte, nagsabi lang ng katotohanan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TUMAAS ang kilay ng mga Pinoy nang tahasang sabihin ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio na hindi isyu ang honesty sa election.

Ayon kay Inday Sara, halos lahat naman ng pulitiko ay nagsisinungaling. Araguuyyy!

Siyempre, madami ang sumakit ang tenga sa tinuran ni Inday Sara, pati na ang opposition na Otso Diretso at ang manok nila na si Vice Pres. Leni Robredo.

At nagpalitan ng maanghang na salita itong sina Inday Sara at Robredo at wala pang linaw kung sino ang pinaniwalaan ng sambaya­nan sa kanila.

Si Inday Sara mga kosa ay campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago samantalang si Robredo naman na opposition leader ay tinutulak ang Otso Diretso.

Pero sa totoo lang mga kosa may punto si Inday Sara sa tinuran niya. Kasi sa mahabang panahon na pag-monitor ng Supalpal sa election, aba nakakatulig na sa tenga ang mga pangako na narinig ko.

Mula nang mapatalsik si Marcos at bumalik ang demokrasya sa bansa, puro laway lang ng pulitiko ang tumilamsik sa mga botante. Siyempre may kasamang pitsa, ‘di ba mga kosa?

Magmula sa mga Presidenteng Cory, Ramos, Estrada, Macapagal at Noynoy puro pagbabago ang narinig ng mga botante subalit ano ang narating ng bansa natin? Araguuyyy!

May napansin na ba kayong kandidato mga kosa na hindi sinungaling at tinupad ang kanilang mga pangako sa entablado? Hak hak hak! Tama lang ang puna ni kosang Robertzon Ramirez na lahat ng kandidato ay sinungaling! Tumpak!

Nagsimula ang bangayan nina Inday Sara at Robredo matapos akusahan ng kampo ng Otso Diretso si Ilocos Gov. Imee Marcos na hindi nagtapos sa eskuwelahan sa US o sa bansa.

Si Marcos ay kandidato ng Hugpong sa pagka-senador at bilang campaign manager ay dinipensa ni Inday Sara si Imee subalit sa kasamaang palad ay mukhang totoo ang sinabi niya.

Kaya lang, sa tinuran n’ya, hindi lang si Robredo at Otso Diretso ang tinamaan kundi maging ang kandidato na sinusuportahan ng partido niya. Araguuyyy!

Kaya hayun, dahil sa pagsasabi ng totoo, nagpapalamig muna si Inday Sara at pinalitan siya ng kapatid na si Baste Duterte. Hak hak hak!

Kung may kandidato na hindi sinungaling puede na syang itayo ng rebulto sa Luneta, di ba mga kosa?

Maging si President Digong ay umamin na hindi niya naisakatuparan ang lahat ng ipinangako niya noong panahon ng kampanya.

Kung ang opposition ang paniniwalaan, hindi lang isa sa pangako ni Digong ang nakalimutan niya kundi napakarami at kasama rito ang trapik sa EDSA at pagtigil sa contractualization na hinihingi ng Pinoy workers.

Dahil sa hindi niya pagtupad ng mga pangako, masabi ko rin sinungaling si Digong, di ba mga kosa? Kaya sa tinuran ni Inday Sara, pati sarili niya at si Digong ay tinamaan ng lintik! Araguuyyy! Hak hak hak! Masakit talaga ang katotohanan, di ba mga kosa?

Ang masama nito, kahit ang mga mananaliksik mismo ay hindi masagot ang tanong kung bakit sinungaling ang mga pulitiko na hindi ang serbisyo sa bayan ang nasa isipan kundi ang mangurakot ng pondo. Araguuyyy!

Kaya sa Mayo, iboto natin ang lesser evil, mga kosa! Abangan!

vuukle comment

IMEE MARCOS

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with