^

PM Sports

Babalik na si Marc Pingris

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malapit nang bumalik si Marc Pingris para matulungan ang Magnolia sa kampanya nito sa idinaraos na 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay matapos siyang makasama uli sa pagsasanay ng Hotshots nitong linggo, 12 buwan makaraan magtamo ng ACL injury.

Magugunitang noong Marso 12 ng nakaraang taon ay nadale ng season-ending injury ang beteranong big man sa Game 1 ng kanilang 2018 PBA Philippine Cup semifinals series kontra sa NLEX.

“Okay naman. Getting better naman. Eve-ryday, workout and nag-sprint kami. Nagdya-jump na rin kami tapos shooting,” ani Pingris na sumali sa shootaround ng koponan nitong Miyerkules bago ang kanilang 109-83 tagumpay kontra sa  Columbian sa Smart Araneta Coliseum.

“Ang kinukuha nalang namin ‘yung timing sa landing talaga. ‘Yun ang crucial ngayon.”

Ayon kay Pingris, maganda na ang kanyang pakiramdam at hinihintay na lang na makumpleto ang hop test na siyang requirement bago siya tuluyang makabalik sa koponan.  “Nandun naman na ‘yung galaw ko. Nakaka-jumpshot naman na ako. At nakaka-lateral na ako sa workout namin. It’s all about timing and power. ‘Yun na lang,” dagdag ng 37-anyos na beterano.

“Basta kapag napasa ko na ‘yung hop test ko. Pwede na ko bumalik. Kailangan kasi 100% makuha ko yon eh. So mga nasa 85% pa lang ako ganun.”

Higit naman sa pagba-balik sa Magnolia, nasasabik din ang 6’4 na si Pingris sa 2019 PBA All Star Weekend sa Calasiao, Pangasinan kung saan siya ang magiging punong-abala bilang isa sa produkto ng naturang probinsya.

Tubong Pozzurobio, Pangasinan, ikinararangal aniya ni Pingris na maging host ngayon ang probinsya ng prestihiyosong mid-season spectacle ng PBA.

“Proud tayo d’yan kasi d’yan tayo galing eh. Taga-Pangasinan tayo. Basta, kung  ano’ yung sasabihin lang ni coach, ni boss, ni Commissioner, gagawin ko yun,”ani Pingris. “Para sa mga fans namin at siyempre sa mga kababayan ko sa Pangasinan. Kung puwede sumayaw, sasayaw.”

vuukle comment

MARC PINGRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with