^

PM Sports

Celtics nirapido ang Lakers; Blazers pinalubog ang Suns

Pang-masa
Celtics nirapido ang Lakers; Blazers pinalubog ang Suns
Sinalakay ni LeBron James ng Lakers ang depensa ni Marcus Morris ng Celtics.

LOS ANGELES — Tatlong starters ang hindi naglaro para sa Lakers bunga ng injury.

At malaking dagok ito para sa home team.

Naglista si guard Kyrie Irving ng 30 points, 7 rebounds at 7 assists, habang may 16 markers si Marcus Smart para akayin ang bisitang Boston Cel­tics sa 120-107 panalo laban sa Lakers.

Nagdagdag si Marcus Morris ng 16 points at 7 rebounds at kumamada si Gordon Hayward ng 15 markers para sa ikatlong sunod na pananalasa ng Celtics sa kanilang four-game California trip na magtatapos sa pagharap sa Clippers bukas.

Isinalansan naman ni LeBron James ang kanyang pang-80 career triple-double para sa Lakers.

Tumapos si James na may 30 points, 12 assists at 10 rebounds sa kanyang pang-pitong triple-double para sa Lakers, naipatalo ang limang sunod na laro at malabo nang makapasok sa playoffs.

“I feel for him,” sabi ni Irving sa dati niyang teammate na si James. “LeBron has always been a championship contender. Not to qualify for the playoffs is hard. I can only imagine.”

Hindi naglaro para sa Lakers sina injured star­ters Brandon Ingram, Lonzo Ball at Kyle Kuzma.

Sa Portland, humataw si CJ McCollum ng 26 points at tinapos ng Trail Blazers ang three-game winning streak ng Phoenix Suns mula sa kanilang 127-120 panalo.

Nag-ambag si Damian Lillard ng 18 points at 9 assists, habang may 14 markers at 9 boards si big man Jusuf Nurkic para sa Portland.

Binanderahan ni Devin Booker ang Phoenix mu­la sa kanyang 23 points.

Sa Milwaukee, naglista si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points, 13 rebounds at 6 assists at di­naig ng Bucks ang Charlotte Hornets, 131-114, pa­ra sa kanilang NBA-best na 50th panalo.

Nag-ambag si Brook Lopez ng 25 points at 8 rebounds para sa 50-16 record ng Milwaukee ma­tapos magposte ng 52-30 karta noong 2000-01 sea­son papasok sa Eastern Conference finals.

Pinangunahan ni Kemba Walker ang Hornets (30-36) mula sa kanyang 25 points, habang may 16 markers si reserve Frank Kaminsky.

Sa Minneapolis, kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 40 points at 16 rebounds sa 135-130 overtime victory ng Timberwolves kontra sa Wa­shington Wizards.

Hindi natapos ni Towns ang regulation period bunga ng knee injury.

Umiskor si Derrick Rose ng 29 points, kasama ang isang 19-footer na nagbigay sa Timberwolves ng 131-127 abante sa huling 58.2 segundo ng extra period.

Pinamunuan ni Bradley Beal ang Wizards mula sa kanyang 36 points, habang may 27 markers si Trevor Ariza.

Sa Atlanta, nagsalpak si Spencer Dinwiddie ng 23 points, habang nagtala si Jarrett Allen ng 20 points at 12 rebounds para tulungan ang Brooklyn Nets na talunin ang Hawks.

Ito ang ikatlong sunod na pananalasa ng Brooklyn para tumabla sa sixth place sa Eastern Confe­rence bagama’t naimintis ang 21 free throws.

Nagbagsak si John Collins ng 33 points bukod pa sa kanyang career-high 20 rebounds para sa Atlanta, habang kumolekta si Trae Young ng triple-double sa 23 points, 11 assists at 10 boards.

vuukle comment

LAKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with