^

PM Sports

SMBeer, NLEX magtutuos

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magmumula sa mahabang pahinga ang nagdedepensang San Miguel at NLEX para sa mahalaga nilang bakbakan.

Noong Pebrero 10 ay pinalubog ng Beermen ang Magnolia Hotshots, 113-92 para sa kanilang ikalawang sunod na pananalasa habang noong Pebrero 8 naman, nakatikim ang Road Warriors ng 82-83 pagkatalo sa Phoenix Fuel Masters.

Magtutuos ang San Miguel at NLEX nga-yong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Meralco Bolts sa NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang pangatlong dikit na panalo ng Beermen ni coach Leo Austria ang maghahatid sa kanila sa solong ikaapat na posisyon.

Wala namang balak ang Road Warriors ni mentor Yeng Guiao na muling makalasap ng pagkatalo na lubhang makakaapekto sa kanilang tsansa sa quarterfinals.

Sa unang laro, kapwa tatapusin ng Bolts at Batang Pier ang kani-kanilang tatlong sunod na pagbulusok para mapa-lakas ang pag-asa sa quarterfinals.

“There’s five games more left and anything can happen so we got to stay positive and conti-nue to support one ano-ther,” sabi ni Chris Newsome matapos ang 85-86 kabiguan ng Meralco laban sa Columbian noong Pebrero 27.

Nakatikim naman ang NorthPort, inaasahang pamumunuan ni guard Stanley Pringle na napatawan ng one-game suspension at multang P75,000 dahil sa panununtok kay Columbian center Jay-R Reyes sa isang tune-up game ng 96-98 kabiguan sa Phoenix.

vuukle comment

LEO AUSTRIA

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with