^

PM Sports

UP dinungisan ang DLSU

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinungisan ng University of the Philippines ang nagdedepensang De La Salle University sa bisa ng 21-25, 25-20, 25-21, 20-25, 15-12 desisyon upang makisalo sa unahan ng standings sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumuha ng importanteng puntos ang Lady Maroons kina open spiker Isa Molde, opposite hitter Diana Carlos at middle blocker Ai Gannaban para buhatin ang kanilang tropa sa 3-1 marka.

Nakalikom si Molde ng kabuuang 20 puntos tampok ang apat na krusyal na puntos sa fifth set habang umiskor naman si Carlos ng 19 hits at 13 receptions at nagdagdag si Gannaban ng anim na puntos kasama ang tatlong sunod sa unang bahagi ng final frame.

Lumasap ng unang kabiguan ang Lady Spikers para malaglag sa 3-1 kartada at pahintulutang makisos-yo sa No. 1 ang Lady Maroons.

Umiskor ng 20 puntos at 13 digs si rookie Jolina Dela Cruz para sa La Salle samantalang may 12 points at 12 digs si team captain Desiree Cheng at 12 markers naman si May Luna.

Sa unang laro, nakabalik sa porma ang Far Eastern University (FEU) nang mapaamo nito ang University of Santo Tomas (UST) sa bendisyon ng 19-25, 25-19, 25-20, 27-25 para umabante sa 2-2 baraha.

Isang all-around game ang inilatag ni middle hitter Celine Domingo na nagbaon ng 17 puntos mula sa siyam na attacks, anim na blocks at dalawang aces.

Nakasuporta si outside spiker Heather Guino-o na kumana ng 14 hits gayundin si rookie Lycha Ebon na naglista ng 11 markers para sa Lady Tamaraws. Gumulong naman ang Tigresses sa parehong 2-2 karta.

Malaking kawalan si Season 80 Rookie of the Year Milena Alessandrini nang magtamo ito ng injury sa kaliwang tuhod sa second set habang umaray din ng cramps si Sisi Rondina dahilan para mapilayan ng husto ang UST.

Sa men’s division, nanaig ang FEU sa UST, 17-25, 25-23, 20-25, 25-19, 15-13 para manatili sa tuktok ng standings tangan ang 4-0 marka habang nanalo ang La Salle sa UP, 25-21, 25-21, 25-18, tungo sa 1-3 baraha.

vuukle comment

DLSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with