^

PM Sports

La Salle kakapit sa liderato

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagtitibayin ng reigning champion De La Salle University ang kapit sa solong pamumuno sa pagsagupa nito sa matinik na University of the Philippines (UP) sa pagpapa-tuloy ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Ikaapat na sunod na panalo ang tatargetin ng Lady Spikers laban sa Lay Maroons sa alas-4 ng hapon habang maghaharap ang University of Santo Tomas (UST) at Far Eastern University (FEU) sa alas-2.

Aminado si La Salle head coach Ramil De Jesus na hindi magiging madali ang makaharap ang UP na nagnanais makabalikwas mula sa masaklap na 25-21, 22-25, 16-25, 20-25 pagyuko sa UST noong Linggo.

“Malalim ang lineup ng UP dahil kahit yung second-stringers nila ma-lakas. Tinalo sila ng UST kaya magpe-prepare kami kung paano rin namin sila tatalunin,” ani De Jesus.

Walang iba kundi sina team captain Desiree Cheng, May Luna, Aduke Ogunsanya at rookie Jolina Dela Cruz ang aasahan ng Lady Spikers.

Pare-parehong may magandang inilaro sina Luna, Ogunsanya at Dela Cruz sa kanilang 25-10, 20-25, 27-25, 25-22 pananaig sa National University sa kanilang huling laro.

Nariyan pa sina Lourdes Clemente at Tin Tiamzon na handang umalalay sa oras ng pangangailangan.

Magbabalik-aksiyon naman si UP top setter Ayel Estrañero na hindi nakapaglaro laban sa UST matapos ma-food poison.

Kukuha ng lakas ang Lady Maroons kina power-hitting wing spikers Isa Molde, Diana Mae Carlos at Justine Dorog katuwang sina Ai Gannaban at Maristela Layug.

Target naman ng UST (2-1) na makuha ang ikatlong panalo laban sa ina-alat na FEU (1-2) kung saan mamanduhan ni last season’s Rookie of the Year Milena Alessandrini ang opensa kasama sina Sisi Rondina at Eya Laure.

Sa kabilang banda, ha-ngad ng Lady Tamaraws na makabangon mula sa 25-14, 25-19, 21-25, 18-25, 12-15 kabiguan sa Ateneo noong Linggo.

vuukle comment

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with