^

PM Sports

Pinas kagrupo ng USA?

Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng magkasama ang Gilas Pilipinas at Team USA sa isang grupo ng paparating na 2019 FIBA World Cup ngayong Agosto sa China.

Subalit ito ay isang pangarap na handa ang koponan na ipagpaliban para sa mas malaking misyon na makaabante sa second round ng quadrennial basketball meet.

“Ewan ko kung gusto natin maka-bracket ‘yun para makapagpa-picture lang tayo,” biro ni Gilas head coach Yeng Guiao.

Kung si Guiao ang papipiliin, ayaw niyang kasama ang USA sa grupo para sa mas makatotohanan ang tsansa natin sa World Cup.

“Ako, ayoko kasi gusto ko meron tayong realistic chance na matsambahan natin ‘yung grupo natin,” dagdag niya. “Pero kung nandiyan sila eh ‘di wala tayong magagawa. Magpa-picture na lang din tayo.”

Sinegundahan naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang pahayag ni Guiao lalo’t misyon ng Gilas na malagpasan ang 1-4 kartada  nito sa nakaraang World Cup na ginanap sa Spain noong 2014.

“Last World Cup, we won one game. It’s a group of four teams. If we win two games, that will get you to the next round. Our objective is to do better than the last World Cup which means if we can double the wins from the last World Cup, that gives us a chance to go to the next round,” ani Panlilio, governor din ng Meralco sa PBA.

Numero uno sa world rankings ang Team USA at gayundin sa seeding ng World Cup kaya’t magi-ging lider ng isa sa walong grupong bubunutin sa FIBA World Cup Draw sa Marso 16.

Batay sa lakas ng USA na five-time champion ng World Cup, mas mabuti ngang wag munang makaharap ng Gilas Pilipinas ang powerhouse na koponan lalo’t inaasahang magpaparada ng all-NBA team ang naturang koponan.

Mula sa 35-man training pool, inaasahang mangunguna sa final 12 line up ng koponang gagabayan ni San Antonio coah Gregg Popovich sina LeBron James ng Lakers, Stephen Curry at Kevin Durant ng Warriors, Russel Westbrook ng Thunder at James Harden ng Rockets na pawang mga dating Most Valuable Players ng NBA.

vuukle comment

USA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with