^

PM Sports

Blatche lalaro bilang import sa PBA?

Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng maglaro bilang import sa 2019 Phi-lippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup ang Gilas Pilipinas naturalized player na si Andray Blatche.

Kung sakali, sasalang siya sa koponan ng Talk ‘N Text sa ilalim ni consultant Mark Dickel o kaya’y sa NLEX sa ilalim ni national team mentor Yeng Guiao ayon sa ulat na inilabas ng liga nitong Biyernes ng gabi.

Ang posibleng paglalaro ni Blatche sa PBA ay bahagi ng misyon ng bansa na makundisyon si Blatche kasama ang Gilas Pilipinas sa matagal na panahon kung papasok ang koponan sa papalapit na 2019 FIBA World Cup  sa China ngayong Agosto.

Samantala, bago matupad iyon ay kailangan munang tapusin ng 32-anyos na si Blatche ang kanyang commitment sa Chinese Basketball Association (CBA) kung saan nanganganib na matanggal na agad sa Marso pa lang ang kanyang koponan na Tianjin.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa ika-16 puwesto mula sa 20 koponan ang Gold Lions ni Blatche.

Bunsod nito, bakante na ang 6’10 na si Blatche sakto sa pagbubukas ng PBA mid-season conference na Commissioner’s Cup sa Abril na siyang magbibigay daan sa mahabang limang buwang paghahanda ni Blatche kasama ang Gilas Pilipinas na naglalaro rin sa PBA.

Sa katunayan, dalawang Qatar club teams aniya ang nagpahayag din ng interes kay Blatche upang maging import sa kanilang liga matapos pasiklaban ng dating NBA player sa kanyang 17 puntos, 15 rebounds, 7 assists, 2 steals at 2 blocks sa 84-46 panalo ng Gilas nitong Huwebes sa Doha.

Hindi naman ito ang magiging unang pagkakataon na maglalaro bilang import sa PBA ang naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Matatandaang noong 2012 ay naglaro na rin ang long-time naturalized player ng Gilas na si Marcus Douthit para sa koponang Air 21. Nagbalik siya noong 2015 bilang reinforcement din ng expansion team na Blackwater.

Ang mga posibilidad naman na ito na umiikot kay Blatche na simula pa 2014 nagsisilbing naturalized player ng bansa ay nakadepende pa sa tadhana ng Gilas sa World Cup na wala pang kasiguraduhan sa ngayon.

Kailangan nina Blatche at ng Gilas na maipanalo ang laban ngayon kontra sa Kazakhstan at kailangan ding magdasal sa kabiguan ng Jordan, Lebanon o Japan upang malaman kung aabante pa rin sa World Cup.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with