Ika-40 taon ng DELTA
MANILA, Philippines – Ipagdiriwang ngayon ng De La Salle Tae Kwon Do Association (DELTA) ang kanilang ika-40 taon sa DLSU- Henry Sy Hall sa Taft Ave., Manila.
Ipinakilala ang Korean Martial Arts of Taekwondo sa mga estudyante ng De La Salle University ni Grandmaster Hong Sun Chon.
Ilan sa mga naging produkto ng La Salle ay sina Sports Hall of Fame Awardees Cong. Monsour del Rosario at College of St. Benilde Sports Head Stephen Fernandez na parehong kumampanya sa Olympic Games.
Itatampok sa 40th year anniversary ang lahat ng alumni ng DELTA mula sa DLSU, De La Salle Zobel (DLSZ), La Salle Green Hills (LSGH) at St. Benilde.
Gagawin ang event sa dating DLSU football field (Henry Sy Hall).
Nakapagbigay ang DELTA ng suporta sa mga koponan ng DLSU at CSB bukod pa sa Precision Scoring System o PSS para mapalakas ang kanilang talento sa paglahok sa UAAP, NCAA at iba pang major leagues.
- Latest