^

PM Sports

2-sunod na panalo ng Alaska

Russell Cadayona - Pang-masa
2-sunod na panalo ng Alaska
Umiskor si Jeron Teng ng Alaska laban kay Allein Maliksi ng Blackwater.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Limang players ang umiskor ng double figures para sa Alaska, habang nabalewala naman ang kinamadang game-high na 25 points ni Allein Maliksi sa panig ng Blackwater.

Dumiretso ang Aces sa kanilang pangalawang sunod na panalo matapos lusutan ang Elite, 103-101, tampok ang tig-18 markers nina Carl Bryan Cruz at Jeron Teng sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Muli na namang naupo sa kanilang bench sa ikatlong sunod na laro sina injured starters Vic Manuel, JVee Casio, Simon Enciso at Kevin Racal.

Nagdagdag si 6-foot-8 Fil-German center Sonny Thoss ng 16 points tampok ang 8-of-11 filedgoal shooting bukod pa ang 5 rebounds para sa Alaska, nakahugot ng 14 at 11 markers kina Ping Exciminiano at Chris Banchero, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap naman ng Blackwater, nakakuha ng 18 points kay guard Roi Sumang, ang kanilang ikaapat na dikit na kamalasan.

“Their players are playing well, and they scare me,” sabi ni Alaska coach Alex Compton kina Maliksi at Sumang “To come out with a win in this situation is nice.”

Inilista ng Aces ang 13-point lead, 63-50, sa 8:02 minuto ng third quarter hanggang mapasakamay ng Elite ang bentahe, 77-75, mula kina rookie guard Paul Desiderio at Mac Belo sa pagbubukas ng fourth period.

Sa pamamagitan ng magkasunod na basket ng 37-anyos na si Thoss ay muling nakalayo ang Alaska sa 90-82 sa 6:38 minuto ng labanan.

Huling nakadikit ang Blackwater sa 101-103 buhat sa split ni Sumang sa natitirang 30.2 segundo.

Alaska 103 - Teng 18, Cruz 18, Thoss 16, Exciminiano 14, Banchero 11, Ayaay 9, Pascual 8, Galliguez 7, Potts 2, Baclao 0.

Blackwater 101 - Maliksi 25, Sumang 18, Digregorio 14, Jose 9, Tratter 7, Belo 7, Sena 6, Cortez 6, Desiderio 4, Alolino 3, Eriobu 2, Javier 0, Banal 0.

Quarterscores: 29-28; 49-48; 75-72; 103-101.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with