^

PM Sports

PBA D-League lalarga ngayon

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat sa makasaysayang 20 koponan ang unang sasalang ngayon sa pagbubukas ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang sasabak ang kampeon na Go For Gold na sisimulan ang title retention bid nito kontra sa Cignal-Ateneo sa labang nakatakda sa alas-2 ng hapon pagkatapos ng opening ceremonies sa alauna.

Magsasagupa naman ang mga beterano ng torneo na Marinerong Pilipino at Valencia City Bukidnon – SSC-R sa alas -4 ng hapon. Isa ang Cignal-Ateneo Hawkeyes sa paborito ngayon lalo’t ang koponan ay ang back-to-back na kampeon ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Subalit iginiit ni head coach Tab Baldwin na higit sa kompetisyon ay karanasan ang habol ng Ateneo lalo’t naghahanda na sila sa hangaring makasikwat ng ikatlong sunod na UAAP title.

“This time of the year is for the individual deve-lopment of our players and we want to focus on how we’re playing as a team,” aniya. “We’re doing that for experience, to get some team activity, but the primary goal is individual development. We’re trying to develop PBA players and Gilas players here.”

Gigiyahan ang solidong Ateneo core nina Thirdy Ravena, Isaac Go at Matt Nieto na pawang miyembro ng cadet team ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2023 International Basketball Federation (FIBA) na dito gaganapin sa bansa.

Haharang sa kanilang daan ang kampeon na Go For Gold na aminado ring magiging mahirap na madepensahan ang titulo nila ngayon sa presensya ng Ateneo at isa pang contender na San Beda na siyang hari naman ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa tatlong sunod na taon.

Samantala, bigatin din ang magiging laban sa ikalawang laro lalo’t ang mga UAAP stars na sina Santi Santillan ng La Salle at Anton Asistio ng Ateneo ay magsasanib puwersa para sa Marinerong Pilipino kontra kina RK Ilagan at Alyn Bulanadi ng Valencia City Bukidnon – SSC-R.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with