^

PM Sports

Muntinlupa, Manila kumapit sa No. 2

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagposte ng magkahiwalay na panalo ang Muntinlupa at Manila para patibayin ang paghawak sa ikalawang posisyon sa kanilang mga dibisyon sa 2019 MPBL Datu Cup.

Sa harap ng kanilang mga fans sa Muntinlupa Sports Complex ay tinakasan ng Cagers ang Pasig Pirates sa overtime, 98-92.

Pinamunuan ni Dave Moralde ang Cagers sa kanyang 15 points habang nagbigay ng kanyang kontribusyon si Ryusei Koga para sa kanilang ika-13 panalo sa 21 laro kasunod ang Batangas City Athletics.

Tumapos si Koga, pinag-agawan ng Muntinlupa at Pampanga na may 13 points kasama ang triple na nagbigay sa Cagers ng 93-90 abante sa huling 40 segundo ng overtime period.

Matapos ang turnover ng Pasig ay umiskor naman si Felix Apreku para selyuhan ang panalo ng Muntinlupa.

Nalasap ng Pirates ang kanilang pang-19 kabiguan sa 22 laban.

Samantala, binigo naman ng Manila ang Marikina, 91-89 tampok ang 10 points at 10 boards ni Marvin Hayes.

vuukle comment

MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with