^

PM Sports

Abot-kamay na ng Davao

Russell Cadayona - Pang-masa

TAGUM CITY, Davao del Norte, Philippines –Halos pormalidad na lamang ang kulang para sa mu-ling paghahari ng Davao City.

Ito ay matapos magposte ang nagdedepensang kampeon ng 42 gold, 31 silver at 47 bronze medals para ma-nguna sa overall medal standings ng 2019 Batang Pinoy Mindanao Leg kahapon dito sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex.

Pumapangalawa ang General Santos City sa nakolektang 21 ginto, 25 pilak at 27 tansong medalya kasunod ang Koronadal City (21-10-6), Davao del Norte (20-21-18), Cagayan de Oro (20-16-24), South Cotabato (19-22-19), Cotabato Province (19-13-9), Tacurong City (13-9-7) at Tagum City (10-9-9).

Sa archery, winalis naman ni John Carlo Margarito Loreno ng Koronadal City ang lahat ng kanyang pitong events sa boys’ archery.

Tinudla ng 15-anyos na Grade 9 student ng Koronadal Comprehensive National High School ang gold medal sa cadet boys’ Olympic round para idagdag sa panalo niya sa 30m, 40m, 50m, 60m, Single Fita at mixed team events.

“Sobrang saya ko po kasi nakuha ko ‘yung pitong gintong medalya,” sabi ni Loreno, nanalo ng apat na gold noong 2018 Batang Pinoy Mindanao Leg na idinaos sa Oroquieta, Misamis Occidental at dalawang silvers at isang bronze sa National Finals sa Baguio City. “Very special po sa akin ang manalo ng pitong ginto kasi po ito na ang last kong Batang Pinoy.”

Pang-limang gold medal naman ang inangkin ni Princess Micah Basadre ng Koronadal City nang manalo sa cadet girls’ Olympic round.

Sa swimming, sinik-wat nina John Alexander Talosig ng North Cotabato at Liaa Margarette Amoguis ng Davao City ang pang-lima nilang ginto matapos manaig sa boys’ 13-15 400m freestyle (4:28.85) at girls’ 12-under 200m freestyle (2:23.64) at 200m freestyle 4x50m relay (2:05.23), ayon sa pagkakasunod.

Ang kani-kanilang ika-apat na ginto naman ang pinitas nina Isidore Warain ng North Cotabato sa boys’ 12-under 200m breaststroke (2:56.38), Jie Angela Mikaela Talosig ng North Cotabato sa girls’ 200m freestyle (2:16.58) at 200m relay medley 4x50m relay (2:20.95) at Albren Jan Dayapdapan ng Dipolog City sa boys’ 13-15 200m breaststroke (2:35.96) at 200m medley 4x50m relay (2:10.39).

vuukle comment

ABOT-KAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with