^

PM Sports

‘Di na nagpahinga si Blatche

Andrew Dimasalang - Pang-masa
�Di na nagpahinga si Blatche
Makikita sa Instagram photo na ito ni Gilas Team manager Butch Aquino na kasama ni coach Yeng Guiao si Andray Blatche.

MANILA, Philippines — Wala nang pahi-pahi-nga para kay naturalized player Andray Blatche matapos sumalang agad sa pagsasanay kahapon, isang araw pagkatapos niyang lumapag sa Pilipinas para sa nalalapit na sixth window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

Bagama’t hindi pa kasama ang kumpletong 15-man pool ng Gilas, sumabak na agad sa ensayo si Blatche kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas sa Pasig City kasama ang Rain or Shine muna ayon sa kahilingan ni head coach Yeng Guiao.

Upang matutunan agad ang sistema, inimbitahan ni Guiao sina Raymond Almazan, Beau Belga at Gabe Norwood na samahan si Blatche sa pagsasanay kahit pa kagagaling lang ng Elasto Painters sa laban kontra sa San Miguel Beer kinagabihan sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sa Lunes pa inaasahang makakasama ni Blatche ang buong Gilas Pilipinas sa pagpapatuloy ng ensayo ng koponan ilang linggo na lamang ang nalalabi bago dumayo sa Qatar at Kazakhstan sa Pebrero 21 at 24, ayon sa pagkakasunod.

Susulitin ng Gilas at ni Blatche ang panahon ng kanilang paghahanda dito sa bansa dahil sampung araw lamang sila makakapagsanay na magkakasama.

Babalik kasi agad si Blatche sa China dahil sa commitment niya sa koponang Tianjin Gold Lions sa Chinese Basketball Association (CBA) sa Pebrero 11 bago samahan ulit ang Gilas sa paglipad ng koponan sa Qatar sa Pebrero 16.

Bunsod ng maikling oras lamang kasama si Blatche, plano ni Guiao na magkaroon ng thrice-a-week training simula sa Lunes mula sa twice-a-week training lamang nila nitong nakaraang dalawang linggo.

Ihihinto naman ng Philippine Basketball Association (PBA) ang idinaraos na 2019 Philippine Cup games mula Pebrero 14 hanggang 26 para suportahan ang kampanya ng Gilas Pilipinas.

Magugunitang ito ang unang pagbabalik ng 32-anyos na si Blatche sa Gilas sa loob ng pitong buwan simula nang masuspinde noong Hul-yo bunsod ng rambol na kinasangkutan ng Gilas kontra sa Australia.

Bagama’t puwede na ulit sanang maglaro noong nakaraang Disyembre sa fifth window, hindi nakasama si Blatche sa 20-man pool noon bago makabalik ulit sa Gilas bilang bahagi ng pinakabagong 15-man pool ni Guiao ngayon.

Inaasahan ang ma-laking tulong ng 6’11 na si Blatche sa Nationals na hangad mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa prestihiyosong World Cup na gaganapin sa China ngayong Agosto.

Upang magawa iyon, kailangang mawalis ng Gilas ang laban kontra Qatar at Kazakhstan dahil nanganganib ngayon ang Gilas sa ikaapat na puwesto ng Group F hawak ang 5-5 kartada.

Tatlong koponan lamang ang aabante sa World Cup at ngayon at naghahabol ang Gilas sa Australia (9-1), Iran (7-3) at Japan (6-4).

vuukle comment

BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with