^

PM Sports

PBA Press Corps Player of the Week

Andrew Dimasalang - Pang-masa
PBA Press Corps Player of the Week

MANILA, Philippines — Si Jayson Castro ng TNT Katropa pa rin ang isa sa pinakamagaling na point guard sa Philippine Basketball Association (PBA).

Iyan ang ipinaalala ni ‘The Blur’ matapos akayin sa dalawang malaking panalo ang Tropang Texters para hirangin bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week sa ikalawang linggo ng 2019 PBA Philippine Cup.

Tumikada ng mga averages na 16.5 points, 4.0 rebounds, 6.5 assists at 2.5 steals ang veteran guard sa dalawang sunod na panalo ng TNT Katropa.

Sinimulan ng 32-anyos na si Castro ang linggo sa pagtala ng 9 points, 3 rebounds, 2 assists at 1 steal sa 85-80 panalo ng Tropang Texters kontra sa NLEX Road Warriors noong nakaraang Miyerkules.

Noong Linggo ay hindi na naawat ng four-time Best Player of the Conference nang magliyab ng 24 points, 5 rebounds, 11 assists at 4 steals upang trang­ku­han ang 104-93 tagumpay kontra sa San Miguel.

“’Hindi ko na maalaala (yung huling panalo) kasi lagi kaming natatalo sa kanila,” sabi ng six-time PBA champion na si Castro.

Dinaig ni Castro ang mga kakamping sina Troy Ro­­sario at Ryan Reyes,  Gabe Norwood at Mark Bor­­boran ng Rain Or Shine at sina Calvin Abu­eva, Jason Perkins at Matthew Wright ng Phoe­nix para sa nasabing weekly ci­­tation.

Nauna nang pinara­nga­lan si Sean Anthony ng NorthPort noong nakaraang linggo bilang unang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week nga­yong taon.

vuukle comment

JAYSON CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with