^

PM Sports

‘Di inakala ni Victolero

Andrew Dimasalang - Pang-masa
�Di inakala ni Victolero
Nasa larawan ang mga pinarangalan sa 25th PBA Press Corps Awards Night kamakalawa ng gabi sa Novotel.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi pa rin makapaniwala si Magnolia coach Chito Victolero sa pinaka-bagong parangal na kanyang natanggap bilang Baby Dalupan Coach of the Year sa katatapos lamang na 25th Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Awards Night kamakalawa ng gabi sa Novotel Araneta Center.

Ayon kay Victolero, hindi niya inakalang magiging coach of the year siya balang araw lalo’t ang hangarin niya lang dati ay makapaglaro at magkampeon bilang player sa pinakamatandang pro-league sa Asya.

“Hindi ko inakala. Para akong nasa ulap pa rin,” anang 43-anyos na mentor na siyang naging susi nang wakasan ng Hotshots sa apat na taon nitong title drought bunsod ng 4-2 Governors’ Cup Finals series win kontra sa Alaska noong nakaraang buwan.

Dating manlalaro ng Mapua, na-draft si Victolero bilang 13th overall pick ng Sta. Lucia noong 2002 PBA Draft subalit hindi rin nagtagal ang karera bunsod ng injuries.

Pumasok siya sa coaching scene bilang Mapua mentor noong 2009 hanggang 2012, gayundin sa PBA bilang coach ng KIA (Columbian ngayon) mula 2014 hanggang 2016 bago palitan si Jason Webb sa Magnolia simula noong 2016-2017 season.

“Nung nagsimula ako noon sa Mapua, sabi ko sana kahit papaano makakuha ako ng championship sa NCAA,” aniya. “But as you grow older, ‘pag nagkaroon ka na ng experience, naiisip ko na sana ma-achieve ko ‘yung goal ko na makapag-uwi ng cham-pionship sa PBA. At ito nga ‘yun. This coach of the year is a bonus na lang.”

Hindi biro ang tinalo ni Victolero sa coach of the year award sa katauhan nina Tim Cone ng Ginebra at Leo Austria ng San Miguel na dalawa sa pinakamatagumpay na mentors sa 43-taong kasaysayan ng liga.

Hawak ni Cone ang 21 na titulo – pinakamarami sa kasaysayan – habang may anim na kampeonato si Austria sa nakalipas na apat na taon.

Subalit para kay Victolero, hindi niya tinalo ang kanyang mga idolo.

“Hindi ko naman sila nadaig. Ako lang siguro yung sinuwerte,” aniya. “Tsaka idols ko ‘yang mga ‘yan. Naglalaro pa lang ako, inspirasyon ko na sila. Ano naman ‘yung isang napanalunan ko? Wala na silang dapat patunayan pa. Wala pa ako sa kalingkingan nila.”

Bunsod ng makasaysayang unang kampeo-nato at coach of the year na ito, lalo pa aniyang magpupursige si Victolero na madala sa mas maraming tagumpay ang Magnolia.

“But again, this is not the end. I will take it as a challenge na this is only the start. I willl try to help again my team kung paano kami mananalo ulit ng championship because napakasarap manalo,” pagtatapos niya.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with