^

PM Sports

Benilde, Arellano Volleybelles asam ang finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng College of Saint Benilde at Arellano University na makuha ang silya sa finals sa pagharap sa matinik na karibal sa kani-kaniyang Final Four games nga-yong araw sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng No. 1 Benilde ang No. 4 University of Perpetual Help System Dalta sa alas-4 ng hapon samantalang makakatipan ng No. 2 Arellano ang No. 3 San Beda University sa alas-2.

Sa pagtatapos ng eliminasyon, magkakasalo sa unahan ang Benilde, Arellano at San Beda ta-ngan ang magkakatulad na 8-1 rekord.

Ngunit dahil sa mas mataas na quotient points, nakuha ng Lady Blazers at Lady Chiefs ang Top 2 spot para makuha din ang twice-to-beat sa semis.

Nahulog sa No. 3 ang Lady Red Spikers habang nasa ikaapat naman ang Lady Altas na may 6-3 rekord.

Kaya naman papalo ng husto ang Benilde para makabalik sa finals.

Aasahan ng tropa sina Klarissa Abriam, Rachel Austero at Marites Pablo habang mamanduhan ni veteran playmaker Jewel Lai ang setting chores.

Kukuha naman ng lakas ang Perpetual Help kina team captain Bianca Tripoli, Cindy Imbo, Shyra Umandal at Jhoana Rosal ngunit kailangan ding makatulong ng iba pang miyembro partikular na si libero Sandra Dayao na aasahan sa floor defense.

Sa kabilang banda, masisilayan ang matin-ding pukpukan sa pagitan ng Season 93 finalists Arellano at San Beda.

Doble ingat ang gagawin ng Lady Chiefs dahil ang Lady Red Spikers ang bukod-tanging koponang tumalo sa kanila sa eliminasyon.

Magsisilbing puwer-sa para sa Arellano sina veteran spikers Necole Ebuen at Regine Arocha na may pinagsamang 35 puntos sa kanilang huling laro laban sa San Beda.

Raratsada naman sa panig ng Lady Red Spi-kers ang troika nina Nieza Viray at Jiezela Viray at team captain Cesca Racraquin.

Consistent ang laro ni Nieza na isa sa mga kandidato para sa MVP award at solid din ang laro nina Racraquin at Jiezela.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with