San Miguel nalagasan
MANILA, Philippines — Pansamantalang nalagasan ng puwersa ang kampeon na San Miguel Beer sa idinaraos na 2019 PBA Philippine Cup kung saan hangad nila ang ikalimang sunod na titulo.
Ito ay sa katauhan ng dalawang manlalaro na sina Terrence Romeo at point guard Alex Cabagnot na nadale ng magkaibang injuries sa unang laban nila kontra sa Columbian noong nakaraang linggo.
Naglalaro sa kanyang unang PBA game kasama ang bagong koponan, nadiskaril ang Beermen debut ni Romeo nang madale ng sprained ankle injury sa dulo ng third quarter pa lang ng laban na ikinatalo nila, 118-124.
“One week rest siguro para sure ‘yun ang sabi sa akin nung nagpa-check ako,” ani Romeo na may pitong puntos at four assists lang sa kanyang unang salang sa Beermen. “Titingnan pa kung aabot sa next game pero hindi kasi puwedeng madaliin.”
Sa parehong laro din nagtamo ng left hamstring injury si Cabagnot na may iniinda na ring nose injury na siyang nagpuwersa sa kanyang gumamit ng facemask kontra sa Columbian.
- Latest