^

PM Sports

Pacio bagsak sa Hapon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinupad ni Japanese challenger ang pangakong talunin si Filipino champion Joshua Pacio sa kanilang strawweight title bout sa ONE: Eternal Glory sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia noong Sabado ng gabi.

Gamit ang kanyang superior ground and pound game, nagtala ang 31-gulang na si Saruta ng split decision win laban sa 23-gulang na si Pacio para sa  kanyang ika-19 panalo bukod pa sa tatlong draws laban sa tatlong talo habang nalasap naman ni Pacio ang ikatlong kabiguan laban sa 13 panalo.

Si Saruta ay pamalit lamang sa labang ito para sa kanyang kababayang si Hayato Suzuki isang buwan bago ang laban at nagawa niyang magrehistro ng impresibong tagum-pay laban sa pambato ng Team Lakay.

Dahil sa kabiguan ni Pacio, ang natitirang Pinoy ONE champions, ay sina Brandon Vera (heavyweight), Eduard Folayang (light), Kevin Belongon (bantam) at Geje Eustaquio (fly).

Bigo rin ang isa pang Pinoy na si Edward Kelly na bumagsak sa first round kay Singaporean Christian Lee.

Pinigilan ni Robin Catalan ang shutout sa mga Pinoy fighters nang kanyang igupo si Indonesian Stefer Rahardian para sa kanyang unanimous decision win.

vuukle comment

ONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with