^

PM Sports

Maayos ang takbo ng preparation para sa 2019 SEAG-- Ramirez

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa tamang landas ang preparasyon ng host Phi-lippines para sa 30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11, ayon kay Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez.

“We are getting fine as far as our preparation for the 2019 Sea Games is concerned,” sabi ni Ramirez kahapon sa press conference sa kanyang opisina sa RMSC Sports Complex.

Sabi pa ni Ramirez na gagampanan niya ang aktibong papel mula sa preparasyon hanggang sa pagdaraos ng 11-nation biennial multi-event sports meet dahil sa ahensya ng gobiyerno para sa sports nakapa-ngalan at ilalabas ang mahigit P7.5 bilyong budget mula sa 2019 General Appropriation Act.

Pinasumite na si Ramirez sa secretary ng Senado ng kumpleto at detalyadong dokumento na inihanda ng Philippine Sea Games Organizing Committee (Phisgoc) kung saan umupo silang tatlo kasama si dating Senador Alan Peter Cayetano at Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas bilang co-chairmen.

“I have to play an active role here because the full budget will be in the name of the PSC so everything will be under the governmental rules particularly the COA (Commission on Audit) rules,” pahayag ni Ramirez na siya rin ang PSC chairman at Chief de Mission noong 2005 Sea Games na ginanap din dito sa Pilipinas.

Ito na ang pang-apat na hosting ng Pilipinas sa Sea Games, ang una ay noong 1981 at ang ikalawa ay noong 1991 at ang ikatlo ay noong 2005 kung saan nag-overall champion ang Team Philippines sa unang pagkakataon.

Muli na namang hinikayat ni Ramirez ang iba pang National Sports Associations (NSAs) na magsumite na sa kanilang mga kakailanganing sports equipments na gagamitin sa Sea Games bago sa parating na 2019 election ban simula sa Marso kung saan ayon sa election code (batas) hindi sila puwedeng maglabas ng pera hanggang matapos ang national at local election sa Mayo 13.

Mahigit 25 NSAs pa lamang ang nagsumite sa kanilang mga kakaila-nganing equipments sa kabuuang 56 na kasali sa 12-day kumpetisyon.

Sa inisyal na pag-uusap ng Phisgoc ang mga sports na gaganapin sa Clark City  ay ang aquatics, archery, arnis, baseball, softball, dancesports, floorball, indoor hockey, netball, golf, judo, jujitsu, kurash, sambo, wrestling, lawn balls, petanque, shooting at wakebooarding.

Gaganapin naman sa Subic ang beach volleyball, beach handball, chess, muay thai, vovinam, pencak silat, table tennis, weighlifting, karatedo, sepak takraw, modern pentathlon, obstacle sports, sailing, windsurfing, traditional boat race, triathlon at duathlon.

Ang mga events naman na isasagawa sa Metro Manila ay badminton, basketball 3x3, basketball (standard), taekwondo, bowling, boxing, fencing, kickboxing, wushu, figure skating, ice hockey, football, gymnastics, rowing, soft tennis, lawn tennis, squash, volleyball, e-sports at billiards habang sa Calatangan, Batangas naman ang polo at sa La Union ang surfing at sa Tagaytay gagawin ang cycling at skateboarding.   

vuukle comment

RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with