^

PM Sports

Nakilatisan na si CJ Perez

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Agad nagpasiklab sina top rookies Robert Bolick at Abu Tratter sa kanilang PBA debut noong nakaraang gabi.

Kumamada ng 26 points si Bolick, samantalang humatak ng 18 markers, nine rebounds, two steals, two blocks at one assist si Tratter sa kanilang laro kung saan pinataob ng NorthPort ang Blackwater, 117-91.

Ipinakita ni CJ Perez ang kanyang galing mula sa paglalaro sa NCAA.

‘Yun nga lamang, malaking pagsubok ang unang PBA game ni Perez dahil nakaharap nila ang reigning Philippine Cup four-peat champ San Miguel Beer.

Mabibigat na matchup ang kanyang hinarap laban sa San Miguel na may Arwind Santos, Marcio Lassiter o kahit na si Christian Standhardinger na pawang mababagsik dumepensa.

Nasilayan din sina Terrence Romeo at Poy Erram na lumaro sa bago nilang koponan gayundin ang pagbabalik-laro ni Raymond Almazan sa Rain or Shine.

Giit ni Almazan na tapos na ang episode ng kanyang pag-aalburoto at nakahanda na siyang magsimulang muli ng seryosong paglalaro sa ilalim ni coach Caloy Garcia.

Matatandaang nag-AWOL si Almazan last conference at ito ay naging malaking dahilan sa pagtapos ng ROS na pang-sampu tangan ang 3-8 kartada sa nakaraang Governors’ Cup.

Sa parte ng ROS, si dating San Beda forward Javee Mocon ang nag-PBA debut kontra sa NLEX.

Mataas din ang expectation kay Mocon, ang No. 6 pick sa nakaraang rookie draft sa likod nina Perez, Bobby Ray Parks, Bolick, Paul Desiderio at Trevis Jackson.

vuukle comment

CJ PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with