^

PM Sports

James Harden humakot ng 57 pts.

Pang-masa
James Harden humakot ng 57 pts.
Si James Harden ng Houston laban kay Jevon Carter ng Memphis.

HOUSTON — Nagpasabog si star guard James Harden ng season-high na 57 points para pa-ngunahan ang Rockets sa 112-94 paggiba sa bisitang Memphis Grizzlies.

 

Pinalawig ng reigning MVP extended ang kanyang pagkamada ng 30-point games sa 17 pagsapit ng halftime kung saan siya tumipa ng 36 points sa first half para ibigay sa Houston ang double-digit lead.

Ito ang pinakamahabang 30-point game streak ng isang player matapos ang 20 ni Wilt Chamberlain noong 1964.

Ito ang franchise-record na ika-14 pagkakataon na kumamada si Harden ng higit sa 40 points ngayong season at pangwalo sa huli niyang 11 laro.

Tinabunan ni Harden ang dati niyang season best na 54 points  laban sa Washington Wizards at tatlong puntos ang kulang para pantayan ang kanyang career-high at club-record na 60 points na itinala niya noong Enero laban sa Orlando Magic.

Ginamit ng Grizzlies ang double-team defense laban kay Harden sa kaagahan ng third quarter na nakaiskor lamang sa huling limang minuto ng nasabing yugto.

Ang nasabing basket ni Harden ang nagsindi sa 11-0 atake ng Rockets para iposte ang 76-60 kalamangan sa huling 3:30 minuto nito.

Nagtala sina Garrett Temple at Mike Conley ng tig-14 points sa panig ng Memphis.

Sa San Antonio, humataw si Kemba Walker ng 33 points at ninamnam ni Tony Parker ang kanyang pagbabalik sa San Antonio matapos talunin ng Charlotte Hornets ang Spurs, 108-93.

Tinapos ng Hornets ang seven-game home winning streak ng Spurs.

Nagtala si Parker ng 8 points, 4 assists at 3 rebounds sa una niyang paglalaro sa San Antonio matapos lumipat sa Charlotte sa offseason.

Nagdagdag si Jeremy Lamb ng 19 points kasunod ang 11 markers ni Marvin Williams para sa Hornets, tinapos ang kanilang three-game losing skid.

Binanderahan ni LaMarcus Aldridge ang Spurs mula sa kanyang 28 points at 10 rebounds.

Sa New York, humugot si D’Angelo Russell ng 18 sa kanyang 34 points sa third quarter at tinapos ng Brooklyn Nets ang kanilang 10-game losing slump laban sa Boston Celtics sa paglilista ng 109-102 panalo.

Nag-ambag si Jarrett Allen ng 19 points at 12 rebounds para sa Nets, habang humakot din si rookie Rodions Kurucs ng 19 points.

Ito ang ikatlong sunod na kamalasan ng Celtics sa kanilang three-game road trip.

Hindi naglaro si Kyrie Irving (bruised right quadriceps) para sa Boston, nakahugot kay Jayson Tatum ng 34 points kasunod ang 22 markers ni Jaylen Brown.

vuukle comment

JAMES HARDEN

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with