^

PM Sports

Perpetual volleybelles lumapit sa Final 4

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayuko ng University of Perpetual Help System Dalta ang San Sebastian College-Recoletos, 25-19, 25-8, 18-25, 25-17 upang makalapit sa Final Four spot sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naging lider ng Lady Altas si Jowie Albert Versoza na umiskor ng 15 puntos at 13 digs habang nagsumite sina Jenny Gaviola at Cindy Imbo ng 12 markers.

Gumawa naman si Necelle Gual ng 27 excellent sets para manduhan ang Perpetual sa pagkuha ng 47 attacks.

Dahil sa panalo, umangat ang Perpetual Help sa 5-3 baraha para matiyak ang playoff para sa huling silya sa semis.

Maipopormalisa ng Lady Altas ang pag-entra sa semis kung mananalo ito sa Jose Rizal University sa Huwebes.

May 4-4 baraha ang Lady Bombers.

Kung mananaig naman ang Jose Rizal sa Perpetual Help, ipatutupad ang tiebreak para malaman ang koponang papasok sa Final Four.

Tuluyan namang namaalam sa kontensiyon ang San Sebastian na nalaglag sa 4-5 baraha.

Nagtala sina Maryrhose Dapol at Kamille Tan ng tig-siyam na puntos.

Sa ikalawang laro, nanaig ang College of St. Benilde sa Mapua University, 25-16, 25-11, 25-11 para mapalakas ang tsansa nito sa No. 2 seeding kalakip ang twice-to-beat advantage.

Nasolo ng Lady Blazers ang ikalawang puwesto tangan ang 8-1 baraha.

Magtatagpo ngayong araw ang nagdedepensang Arellano University (8-0) at San Beda University (7-1).

Kung mananalo ang Lady Chiefs, masisiguro nito ang unang puwesto sa finals na magbubunga ng stepladder sa semis.

Tinapos ng Lady Cardinals ang season tangan ang 1-8 rekord.

Sa men’s division, namayani ang Perpetual Help sa San Sebastian, 25-19, 25-20, 25-21, para makadikit sa sweep tangan ang malinis na 8-0.

Puntirya ng Altas na kubrahin ang tiket sa finals sa pagsagupa nito sa Jose Rizal sa Huwebes.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with