^

PM Sports

Perkins mangunguna sa PBAPC All-Rookie team

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pamumunuan ni Phoenix small forward Jason Perkins ang All-Rookie team na pararangalan sa 25th PBA Press Corps Awards Night sa Enero 21 sa Novotel Manila Araneta Center.

Makakasama ni Perkins, hinirang na 2018 Rookie of the Year, sina Jeron Teng ng Alaska, Paul Zamar ng San Miguel, Robbie Herndon ng Magnolia at Christian Standhardinger ng San Miguel sa exclusive team na pinangalanan ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat.

Bahagi rin ng honor roll ang pagkilala sa Breakout Player of the Year at Game of the Season sa pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng annual affair na inihahandog ng Cignal TV.

Ang nagretirong si Rain or Shine guard Chris Tiu ang tatanggap ng Breakout Player of the Year habang ang triple overtime thriller sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine sa 2018 Philippine Cup ang napiling Game of the Season.

Tatlong beses binasag ng 33-anyos na si Tiu ang kanyang career-high noong nakaraang taon matapos umiskor ng career-best na 30 points sa 107-101 panalo ng Elasto Painters sa NLEX Road Warriors sa 2018 Governors Cup na siya niyang naging final game sa liga.

Tinakasan naman ng Ginebra ang Rain or Shine via triple-overtime, 100-92 para makuha ang playoff berth sa 2018 All-Filipino conference.

Ito ang ika-12 overtime game sa 43-year history ng PBA kung saan naglaro si guard LA Tenorio ng 56 minuto at 52 segundo – ang ikaapat na pinakamahabang minutong inilaro sa hanay ng mga locals.

Ang iba pang mga awardees ay sina Stanley Pringle ng NorthPort bilang Scoring champion at ang trio nina June Mar Fajardo ng San Miguel, Paul Lee ng Magnolia at Vic Manuel ng Alaska sa Order of Merit.

Si National team coach Yeng Guiao ng NLEX ang nangunguna sa All-Interview team na kinabibilangan nina Joe Devance ng Ginebra, Chris Ross ng San Miguel, Mike Digregorio ng Blackwater, Standhardinger at Tiu.

Ang mananalo naman sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy ang magiging tampok sa event na unang idinaos noong 1993.

Ang mga top contenders para sa nasabing award na ipinangalan sa namayapang legendary mentor ay sina Chito Victolero ng Magnolia, Leo Austria ng San Miguel at Tim Cone ng Ginebra.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with