^

PM Sports

Record 20 teams sa PBA D-League

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasaysayan ang iuukit ng Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League na magsisimula sa Pebrero 14 kung saan 20 koponan ang magsasalpukan sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga koponan sa kasaysayan ng natatanging semi-professional sa bansa na naitayo noong 2010.

Labingtatlo ang dating pinakamaraming bilang ng koponan sa Aspirants’ Cup noong nakaraang taon bago ang higanteng 20-team field ngayon.

Gigiyahan ang mga koponan ng reigning Foundation Cup champion na Go For Gold na misyong maidagdag ang 2019 title sa kanilang koleksyon.

Subalit kaiba sa nakalipas na walong taon ng D-League, hindi magiging two-conference na Aspirants’ Cup at Foundation Cup ang D-League ngayon kundi isang buong season na lamang bunsod ng dami ng mga koponan.

Kasali rin sa 20-team D-League cast ang mga datihan na sa torneo tulad ng pioneer ng Centro Escolar University, Wangs Basketball, University of Perpetual Help, AMA Online Education, St. Clare, Marinerong Pilipino at runner-up noong nakaraan taon na Che’Lu Bar and Grill na nais masikwat ng tuluyan ang asam na kampeonato.

Hindi naman basta-basta padadaig ang mga collegiate teams na National University, Far Eastern University at University of Santo Tomas mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) gayundin ang mga National Collegiate Athletic Association (NCAA) squads na Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos.

Mabibinyagan naman ang mga bagong saltang Trinity College, Diliman College, Enderun-Phoenix at McDavid.

Haharang sa mga naturang koponan na ito ang top contenders na Ateneo De Manila University at San Beda University na pinagharian ang UAAP at NCAA, ayon sa pagkakasunod noong nakaraang taon.

Nakatakda naman ang 2019 PBA D-League Draft sa Enero 15 sa PBA Office sa Libis, Quezon City kung saan ang AMA Titans uli ang kukuha ng top overall pick bilang kulelat sa naturang torneo sa ikalawang sunod na taon.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with