Lady Blazers pinasadsad ang Lady Stags
MANILA, Philippines — Pinasadsad ng College of Saint Benilde ang San Sebastian College-Recoletos, 25-17, 25-16, 25-14, upang masungkit ang Final Four slot sa NCAA Season 94 women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sumulong ang Lady Blazers sa 7-1 rekord para samahan ang nagdedepensang Arellano University (8-0) at last year’s runner-up San Beda University (7-1) sa Final Four.
Naasahan ng Benilde sina Rachel Anne Austero at Klarisa Abriam para manduhan ang attack line ng tropa.
Bumagsak ang San Sebastian sa 4-4 marka dahilan para maiwan sa No. 4 spot ang University of Perpetual Help System Dalta na may 4-3 baraha.
Tanging tig-walong puntos lamang ang nagawa nina Joyce Sta. Rita at Maryrhose Dapol para sa Lady Stags.
Sa unang laro, namayani ang Lyceum sa Emilio Aguinaldo, 25-17, 25-16, 27-25, para manatiling buhay ang tsansa nito sa Final Four.
Sa men’s division, wagi ang Pirates sa Generals, 21-25, 25-21, 25-20, 16-25, 15-11 para makuha ng Lyceum ang ikatlong panalo sa walong laro. (C. Co)
- Latest