^

PM Sports

Labanang Austria, Cone, Victolero

Russel Cadayona - Pang-masa
Labanang Austria, Cone, Victolero

MANILA, Philippines — Pag-aagawan nina Leo Austria, Tim Cone at Chito Victolero ang 2018 Coach of the Year award sa pagdiriwang ng PBA Press Corps ng kanilang ika-25 taon sa pamamagitan ng tradis-yunal Awards Night sa Enero 21 sa Novotel Manila sa Araneta Center.

 

Nagwagi ang tatlong coaches ng PBA titles sa nakaraang 43rd season para maging kandidato sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy, ipinangalan sa namayapang ‘Maestro’ ng coaching, na ibibigay sa silver anniversary ng PBAPC.

Iginiya ni Austria ang San Miguel sa ikaapat na sunod na PBA Philippine Cup title habang inihatid ni Cone ang Barangay Ginebra sa una nilang Commissioner’s Cup crown sa loob ng 21 taon at tinulungan ni Victolero ang Magnolia sa pagkopo sa Governor’s Cup matapos ang 2014 grand slam season.

Sa 24th edition ng event ay nakamit ni Austria ang ikatlong sunod niyang Coach of the Year award para permanenteng maidisplay ang Dalupan trophy at maging unang mentor na magawa ito sapul nang ibigay ng mga sportswriters mula sa print at online media ang naturang pagkilala noong 1993.

Si Cone ang hinirang na Coach of the Year noong (1994, 1996 at 2014), samantalang ito ang unang pagkakataon na lalaban si Victolero para sa nasabing tropeo.

Bukod sa Coach of the Year, ibibigay din ang Executive of the Year, Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes at Breakout Player of the season.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with