^

PM Sports

San Miguel-Alab gustong bumawi sa pagharap sa HK Eastern

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos makatikim sa kanilang unang talo, hangad ng nagdepensang  San Miguel-Alab Pilipinas na bumawi agad sa kanilang paghaharap laban sa pumapangatlong Hong Kong Eastern Lions ngayon sa  9th Asean Basketball League (ABL)sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

 

Tangan ang 5-1 win-loss kartada, haharapin ng Alab Pilipinas ang semifinalist noong nakaraang taon na Hong Kong Lions (7-4) sa alas-8 ng gabi.

Galing sa 71-72 talo ang Pinoy team sa mga kamay ng Westports Malaysia Dragons habang ang Hong Kong Lions ay galing sa 88-81 panalo kontra sa Singapore Slingers sa parehong araw sa teritoryo ng Eastern Lions.

Kaya asam ng tropa ni coach Jimmy Alapag na bumangon agad upang manatili sa solo liderato. Kung mabigo ang Alab Pilipinas, babagsak sila sa ikala-wang puwesto sa likuran ng pumapangalawang Macau Black Bears na hawak ang 6-2 record.

Nagsosyo naman ang Hong Kong Eastern Lions at Saigon Heat kasama ang Formosa Dreamers sa ikatlong puwesto sa parehong 7-4 card kasunod ang Singapore Slingers sa 6-4 slate at Westports Malaysia sa solo 7th spot sa 3-3 record.

Samantala, umiskor si Jonathan Wong ng lay up sa huling 30 segundo upang maka-eskapo ang Westports Malaysia Dragons kontra sa Alab Pilipinas, 72-71 noong Miyerkules sa MABA Stadium ng Kuala Lumpur, Malaysia.

May oras pa sanang nalalabi para bawiin ng tropa ni coach Alapag ang bentahe ngunit nagkaroon ng turnover si Ethan Alvano na siyang nagbigay daan para makamit ng Dragons ang ikatlong panalo sa anim na laro.

Ginamit din ng Westports Malaysian ang three-point area tungo sa pagpatumba sa defending champion sa unang pagkakataon. Sa pangunguna ni Wong, humataw ang Dragons ng 14-of-36 sa three-point area para sa mas mataas na 38 percent shooting kung ikumpara sa 6-of-28 sa Pinoy team.

Tanging sina Puerto Rican imports Ronaldo Balkman at  PJ Ramos ang umani ng double digits. Ang best defensive player noong nakaraang taon na si Balkman ay tumapos ng 31 puntos, 14 rebounds, tatlong assists at apat na blocks habang ang 7’3 Ramos ay tumulong ng 16 puntos, 11 rebounds, limang assists at isang block para sa Alab Pilipinas.

vuukle comment

SAN MIGUEL-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with