^

PM Sports

SMB-Alab masusubukan sa Westports-Malaysia

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiwala si coach Jimmy Alapag na malalampasan ng nagdedepensang San Miguel-Alab Pilipinas ang ha-mon mula sa Westports Dragons Malaysia sa kanilang paghaharap nga-yon sa 9th Asean Basketball League (ABL) sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hangad ng Alab Pilipinas ang pang-anim sunod na panalo upang mapanatili ang malinis na kartada habang asam ng Westports Dragons ang ikatlong panalo sa anim na laro sa kanilang pagtatagpo sa alas-8:30 ng gabi.

Ipinakita ng tropa ni Alapag ang seryosong hangarin na makamit ang unang back-to-back title kaya sa tulong ng dalawang Puerto Rican imports na sina Renaldo Balkman, ang best defensive player noong nakaraang taon at 7’3 PJ Ramos, agad rumatsada ang Pinoy team ng limang sunod na panalo, dalawa nito ay sa CLS Knights Indonesia (94-67 at 88-80).

Pinadapa rin ng Alab Pilipinas ang pumapangatlong Formosa Dreamers, 86-72 noong Dec. 21 at Singapore Slingers (77-71) noong Dec. 23 sa Caloocan City Sports Complex. Nagwagi rin ang Alab Pilipinas kontra sa Zhuhai Wolf Warriors ng China, 105-95 noong Linggo sa Lapu Lapu City, Cebu para sa 5-0 start sa ikatlong taong kampanya sa home-and-away professional league.

Bukod kay Balkman, Ramos at Bobby Ray Parks Jr., sasandal din si coach Alapag sa mga baguhang sina 6’2 guard Ethan Alvano, 6’7 Brandon Rosser, kapatid ni Matt Ganuelas-Rosser ng SMB, 6’5 forward Caelan Tiongson, Thomas Torres at Prince Rivero at sa mga beteranong sina Josh Urbiztondo, Chris Sumalinog, Nico Javelona, Ray Alabanza at Lawrence Domingo.

Ang Amerikanong coach ng Malaysia Dragons na si Chris Thomas ay aasa kina American world imports 6’8 Winston Shepard, 6’11 Nnanna Egwu, 6’7 Chris Eversley at 6’1 guard Sundiata Gaines at mga locals na sina Chiang Wei, Benjamin Sim, Yee Tong Heng at Wei Long Tan.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with