^

PM Sports

PSC naghahanda na para sa Batang Pinoy

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisimulan agad ng Philippine Sports Commission ang paghahanda ng 2019 Batang Pinoy Qualifying Legs sa pamamagitan ng paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang tatlong iba’t ibang hosts ngayong Biyernes sa PSC Press Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex.

Pangungunahan ni  PSC chairman William Ramirez ang MOA signing kasama sina Governor Antonio del Rosario ng Davao del Norte na host sa Mindanao Leg at Mayor Evelyn Diaz ng Ilagan, Isabela, ang host sa Luzon Leg.

Kasama rin sina Iloilo City Mayor Jose Espinosa III at Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor Sr. sa MOA para sa hosting ng Visayas Leg sa kumpetisyon para sa mga batang atleta na may edad 15-anyos pababa.

“We are sealing this partnership with our host LGUs to ensure mutual cooperation and achieve a successful staging of Batang Pinoy from Mindanao, Visayas and to Luzon,” sabi ni Ramirez.

Gaganapin ang Mindanao Qualifying Leg nga-yong Feb. 2-9 sa Tagum City, Davao del Norte at susundan sa Visayas Qualifying Leg sa Iloilo City mula Feb. 23 hanggang Marso 2.

Ang ikatlong Leg ay gagawin naman sa Ilagan City, Isabela para sa Luzon Qualifying Leg na iho-host ni Mayor Diaz ngayong Marso 16 hanggang 23.

Sabi ni Ramirez na gaganapin na ang Batang Pinoy kumpetisyon sa mga araw na hindi pa masyadong masungit ang panahon.

Kung natatandaan, binagyo ang national competition sa nakaraang taon sa Baguio City kaya maraming delegasyon kabilang na mula sa Min-danao ang hindi nakarating.

Dinomina ng Baguio City sa ikalawang sunod na pagkakataon ang national championships sa nakaraang taon.

vuukle comment

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with