2-titulo para kay Velez
MANILA, Philippines — Pinabagsak ni John David Velez si Rupert Ohrelle Tortal, 7-5, 6-4, sa premier boys’ 18-under finals kahapon para iselyo ang two-title romp sa pagtatapos ng 30th Abdrada Cup Tennis Championship sa Rizal Tennis Center sa San Juan City.
Ang panalo ni Velez, 14-anyos mula sa Davao City, kay Tortal ay ang kanyang ikalawang titulo matapos maghari sa 16-under division following a 6-2, 6-2 nang kanyang dimolisahin si Axl Lajon Gonzaga ilang oras lamang ang nakaraan.
Unang titulo ito ni Velez para sa taon at umaasa siyang magiging si-mula ito ng sunud-sunod na tagum-pay matapos kumopo ng tatlong international titles—isa sa Malaysia, dalawa sa Australia at 15 championships sa local tournaments.
“It’s a great way to start the year,” sabi ni Velez.
Ginulantang naman ng Australian na si Crystal Mildwaters si top seed Ma. Patricia Lim, 6-2, 6-0 para makopo ang girls’ 18-under crown.
Tinalo ni Alexa Joy Milliam ang kanyang nemesis na si Jenaila Prulla, 6-2, 7-6 (4) para makopo ang girls’ 16-under trophy para makabawi sa kanyang pagkatalo sa quarterfinals ng 14-under.
Ipinagkait ni Milliam, 13-gulang na tubong La Carlota, Negros Occidental at naglaro sa NCAA, kay Prulla ang ikalawa nitong titulo matapos manguna ang 13-anyos mula sa San Jose, Del Monte, Bulacan sa 14-under class nang kanyang blangkuhin si Angeline Alcala, 6-0, 6-0.
Inagaw naman ni Exequiel Jucutan ang titulo kay Mark Andrei Jarata, 6-3, 5-7, 6-4 to sa boys’ 14-under section.
Samantala, sa 12-under action, iginupo ni Marielle Alexi Jarata si Jayden Reece Ballado, 6-1, 6-2 para sa girls’ title habang naungusan ni Chad Connor Cuizon si Kean Sebastian Enriquez, 6-0, 2-6, 6-2 para sa boys’ title.
- Latest