^

PM Sports

Tito Sen naisingit ang pagpo-produce ng pelikula

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Tito Sen naisingit ang pagpo-produce ng pelikula

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa Senado ay nagagawa pa pala ni Senate President Tito Sotto na mag-produce ng pelikula sa ilalim ng kumpanya niyang VST Productions Specialist, Inc. Kung sabagay pera lamang ang kailangan niyang ilabas, ‘yung paggawa ng pelikula ay puwe­de na niyang i-delegate, ipa­gawa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao. Kailangan lamang niyang i-check ang progress nito.

 

Isang pelikula na ang natapos nila, ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo starring Jose Manalo. Sobrang bilib siya sa kakayahan ng kanyang Dabarkads kung kaya dito niya ipinagkatiwala ang pagbibida sa pelikula. Mapapanood ito si­mu­la January 8. Magkaiba ang kumpanya ng senador sa MZET Productions ni Vic Sotto.

Showtime kulang na kulang pag wala si Vice!

Buti na lang at pinayagan ng ABS-CBN na mawala sa It’s Showtime si Vice Ganda ng ma­tagal. Marami ang naghahanap at nakakamiss sa kanya. Tila hindi raw mapunan ng mga co-host niya ang kakayahan niyang mag-stretch ng oras nang hindi lumalaylay ang programa. Tulad na lamang kapag ini-interview nila ang mga kalahok sa Tawag ng Tanghalan na kung saan ay mahabang oras ang nakalaan, Vice is so good sa pag-aadlib kung kaya aliw na aliw sa kanya ang manonood at hindi napapansin ang paglipas ng oras hanggang sa makapili ng winner.

Nasa Spain ngayon ang Unkabogabol Star kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan para sa isang bakasyon. Christmas treat niya ito sa kanila. Tatagal sila dun hanggang January 6.

Martin at Kiko, matindi ang laplapan

Isang pelikula ang pinaka­kaaba­ngan ng mga manonood ngayong ­January 2019.  Ito ang Born Beautuful na sa simula pa lamang ay nagkaroon na ng kontrobersya nang tanggihan itong gawin ni Christian Bables na nagbunga ng samaan ng loob sa pagitan ng aktor at ng mga taong nasa likod ng pelikula na sina Perci Intalan at Jun Lana. Na-resolve na ang kanilang away at bati-bati na sila ngayon. Pinalitan si Christian ni Martin del Rosario na maituturing na isa sa pinakamahusay na aktor sa henerasyon ngayon. As if hindi pa sapat ang kahenyuhan sa pag-arte ni Martin dahil pumayag itong magkaro’n sila ng eksenang laplapan ni Kiko Matos sa movie. Ito ang ang nagsisilbing come on sa maraming hinahatak ang mga araw para mapanood na ang pelikula.

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with